Chapter 10

69 2 0
                                    

Napadilat ako ng tumunog ng malakas ang tren at nagbuga ng itim na usok sa harapan.

Nakita ko sa bintana na puro forest na ang napapasukan namin at lumalamig na ang simoy ng hangin.

Napatingin ako kay tiny na nilalamig kaya nilabas ko ang biniling balabal at sinuot ko sa katawan ko at tinakluban ko rin ang katawan ni tiny.

Pag katapos ng ilang oras ay tumigil na ang tren at marami ng nag sisibabaan. Tumayo nako at nilagay kona si tiny sa balikat ko.

"Shaan na po tayo pupunta?" Tanong ni tiny habang kinukusot ang mata.

"Pupunta sa kaharian ng Valdomor"sabi ko rito. Tumango naman si tiny. Nag lalakad nako ngayon sa gitna ng gubat at nakakatakot talaga rito dahil wala akong makita na kahit ano dahil sa mga ulap na bumaba.

"B-baka m-may mumu dito" takot na sabi ni tiny.

"Wag kang mag isip ng ganyan kase natatakot din ako tiny"sabi ko rito. Tinalukbong ko sa mukha ko ang balabal.

Napatingin ako sa malayong tanawin dahil may mga ibon na itim na nag siliparan dahil sa malakas na alulong nayon.

"A-ano yun t-tiny?" Tanong ko rito.

"Di ko po alam" sabi nito. Umalulong ulit ng malakas sa sobrang takot ko ay napatakbo ako.

Habang tumatakbo ako ay umilaw ang balat ko ng ginto at napahawak ako dun sa sobrang sakit.

"Argh!" Sabi ko sabay luhod.

"A-ate, may yobo!" Napatingin ako sa ng tinutukoy ni tiny at nanlaki ang mata ko ng nagkatitigan kami ng lobo. Brown ito at napakalaki!

Nakakapag taka at nakatingin lang ito sakin at hindi sumusugod.

"Argh!" Napahawak ako sa braso ng sumakit ito lalo.

Napatingin ako sa lobo ng may umilaw rin sa braso nyang puti.

Unti unting lumalapit ang lobo sakin ng may nag si sulputang mga pulang mata at nag lalakihang pangil.

"Mmmmm humannnnn..." Sabi ng lalaking bampira.

Napatingin ako sa lobong katabi kona ngayon. Galit na galit itong nakatingin sa mga bampirang nasa paligid namin. Nasa harapan ko ang lobo na parang prinoprotektahan ako.

"Ateee!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Tiny.

Sumugod ang mga bampira samin at napasigaw ako ng sobrang lakas. Tumakbo ang lobong iyon sa susugod samin at kinagat ang ulo. Nakikipag laban ang lobo sa mga bampirang nag tatangkang sumugod.

Tumayo ako at agad na tumakbo malayo sa mga bampira't lobo.

Habang tumatakbo ako biglang may humarang na mga bampira sakin.

Umatras ako pero pag lingon ko sa likod ko meron ding bampira. Susugod na sana sila ng biglang dumating ang lobo.

Naistatwa ang katawan ko at hindi ako makagalaw. Napatingin ako sa paligid ng dumami ang porsyento ng mga bampira sa paligid namin.

"Ateee" kumapit si tiny sakin. Kinuha ko si tiny sa braso ko at balak na ilagay sa bag ko.

"Tiny ilalagay kita sa bag para di ka mahulog kung sakaling tatakbo ako." Tumango naman ito. Kinuha ko ang bag ko at nilagay ko na sya ron ng tumama ang tingin ko sa kwintas na may pangil.

"Shit! Oo nga pala yung kwintas!"

Tinanggal ko ang kwintas ko na regalo ni mama at nilagay sa bag at kinuha ko na ang kwintas na may pangil.

Napaangat ako ng tingin ng makita ko ang parating na lobo.

Nanginginig nako sa takot dahil sa nangyayare ngayong araw.

Habang busy ang lahat sa pakikipaglaban ay tumayo ako at sinarado ang bag ko.

Tumakbo ako ng tumakbo palayo sa nag lalaban duon. Nang makalayo layo nako ay napatingin ako sa hawak kong kwintas. Sinuot kona to at nag simulang di ako makahinga.

Napaluhod ako habang hawak ang ulo ko sa sobrang sakit.

"ARGH!!!!!" napasigaw sigaw ako sa nararamdaman kong sakit ngayon. Dumilat ako at naramdaman kong nag iba ang mga mata ko. Lumingon lingon ako at nakita kong nag z-zoom ang lahat ng nakikita ko.

Nakikita kong nag iiba ng kulay ang buhok ko. Sa dating pula naging napakaitim. Ang maputi kong balat ay naging sobrang puti na tipong wala akong dugo sa katawan. Ang pandinig ko ay unting unting luminaw at naririnig ko ang ibat ibang tunog. Sa mga ibon sa malalayo, ang patak ng tubig, at mga nag lalaban.

Dahan dahan akong tumayo kahit nahihilo. Sinusubukan kong ibalanse ang katawan ko. Nang hindi nako nahihilo ay tumakbo na ulit ako.

"WOAH!" Nasabi ko bigla dahil sa di inaasahan na bilis. Ang bilis ko ay tipong pag sumakay ka sa roller coaster ay maiiwan ang kaluluwa mo.

Tumakbo takbo ako hanggang sa makalayo ako. Sa huling takbo ko ay nakalabas nako ng kagubatan. At nakakamangha na hindi man lang ako hiningal at pinag pawisan sa sobrang bilis ng takbo ko.

Napatingin ako sa paligid ko at marami akong nakitang mga tindahan dito.

Lumapit ako sa isang matandang lalaki na nag titinda ng inumin dahil nauuhaw ako.

"Ah isa nga pong inumin" sabi ko rito. Tumango naman ito.

Kinuha ko ang bag ko at tinignan ko kung ayos lang ba si tiny.

"S-shi-shino ka po?" Takot na tanong ni tiny.

"Anong sinasabi mo? Ako to si Destin tiny" sabi ko rito. Kumunot naman ang noo ni tiny

Kinuha ko si tiny sa bag ko at nilagay sa balikat ko.

"Gusto mo ng inumin?" Tanong ko rito. Ngunit umiling iling to.

"Ang lansha" sabi ni tiny sabay takip sa ilong.

"Huh?anong malansa?" Takang tanong ko rito.

"Ito na po ang inumin nyo" sabi ng matanda sakin. Kinuha ko naman ang baso at uminom na rito. Pag kalapat ng dugo sa labi ko parang may nabuhay na kung ano sa katawan ko. Naubos ko ang laman ng baso na iyon at umorder pa ng isa.

"Ansarap naman po nito." Sabi ko rito sabay inom ulit. "Anong inumin po ito?"

"Ah! Special yan! Dugo yan ng deerfish" kumunot ang nuo ko.

"Po?" Ulit ko dito. Baka kasi nabibingi ako.

"Dugo ng deerfish" nakangiti nitong ani. Natulala naman ako sa sinabi nito.

'd-dugo!?'

Natulala ako sa sinabi ng matanda.

"Bayad mo iha?" Tanong nito. Kumuha ako sa supot ko at nag bayad na. Pag katapos kong mag bayad ay tumakbo na ko ng tumakbo ang gusto ko lang ay makahanap ng tubig para makamumog.

Fantasia of Mageia: The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon