Nagising ako sa isang katok sa kwarto ko. Nag kusot kusot muna ako ng mata bago bumangon. Binuksan ko ang pinto at nanlaki ang mata ko ng babae ito mula sa kaharian. May dala silang mga kagamitan. Nung una nag tataka ako kung anong meron ng maalala ko ang opening ball.
'hala!!'
Binuksan ko ng malaki ang pinto at pinapasok ang mga babae.
"Maliligo lang po ako!" Sabi ko sabay deretso sa banyo
Nag buhos buhos ako at sabon. Nilagyan ko lang ng oil ang buhok ko at mumog ng kung anong brand ba yung nasa bote na kasama ng binili ng reyna sakin.
Pag tapos ko sa banyo ay lumabas ako ng naka tapis ng tuwalya. Pinaupo ako ng babae sa upuan sa harap ng salamin.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa babae. Di ko alam kung bat ba sya kinakabahan sakin.
"Trisha p-po" tumango naman ako. Inayusan ako ni Trisha sa muka tapos si Janine yung isang babae kasama ni Trisha ay sa buhok ko. Ilang oras ang lumipas at ng natapos sila sa muka ko ay pinakita nila sakin ang gown na itim. Kumikinang kinang pa yung effect ng gown. Sobra sobra na yung ginawa ng reyna sakin. Di naman ako humihingi ng kapalit sa pag papaalaga ng anak nya sakin. Hayst. Ewan basta. Sobra sobra yung ginawa ng reyna sakin.
"Ang ganda mo poo!" Sabay talon ni tiny sa lap ko.
"Ano kaba tiny! Ako lang to!" Sabay tawa ko. Malapit ng 20 pm. Kaya tumayo nako at lumabas sa kwarto ko.
Pag baba ko sa building ay andun yung driver ng kwarwahe.
Sumakay nako at dinala ako ng driver sa isang open field. Sa bintana ng kwarwahe kitang kita ko ang ganda ng dekorasyon sa field. Bumaba ako sa karwahe at naiilang ako sa pag tingin nila sakin. Pumasok ako sa loob at humanap ng mauupuan. Nilibot ko ang tingin sa crowd. Yung iba dito ay may mga kasamang pumunta at yung iba by group at yung iba ulit solo flight. Napakalawak ng field na ito.
"Attend ba yung prinsipe at prinsesa?"
"Sana umattend nag paganda pa naman ako!"
"Ano section mo?"
"Ganda ng gown mo!"
Ilan yan sa narinig kong usap usapan sa paligid ko. Inaantok nako sa ball nato.
"Good evening everyone!" Napabaling kaming lahat sa stage ng may nag salita.
"Maligayang pagdating sa Epiviosi Academy!" Sabay malaking ngiti ng matandang nag sasalita sa harapan.
"Lahat ng tatawagin ko ayon sa section nyo, well alam nyo naman siguro mga section nyo hindi ba?" Tumango ang ilan samin. "Ang section na tatawagin ko ay lalapit sa harap and lilipat sa pwestong iyon" sabay turo sa pinakadulo.Malaki ang mga mesa dito at binase ata sa bawat section at bawat uri nito.
"First ay mga norms. Section Ruby" tumayo ang ilan dito at lumapit sa harap. 20 student per.section pala dito. Umupo ang section Ruby at mukang nag chichikahan na. Marami pang tinawag yung emcee hanggang sa gurdian na.
"Section wind" tumayo ang iba samin at pumunta sa harap. Kung sa norms may 5 section. Ruby, Jade, diamond, Emerald, amethyst. Sa guardian lima den. Fire, Wind, Land, Nature, and water. Sa bawat section may tig 20 ring student. Boys and girls. Sunod naman tinawag mga Witch
"Witch 1" hanggang 5 lang ang section sa witch. Pero sa section lang nila ang kakaiba dahil puro sila babae.
"Wizard!" Hanggang 5 section lang din sa wizard. Boys and girls.
" Section Luna 1" may tumayong iba dito sa field. May limang section dito sa Wolves. Luna 1-5
'awit! Halo halo pala kami dito sa field?'
BINABASA MO ANG
Fantasia of Mageia: The Lost Princess
Fantasyshe is an ordinary woman living in the mortal world. but unexpectedly, they were attacks by the dark creatures. a portal appeared in front of her and she went to the strange world that was new to her. she met many people in that world until she foun...