Umupo ako galing sa pag kakahiga ko.
'Asan ako?'
Nilibot ko ng tingin ko sa kwartong di pamilyar sakin. Napadako ang tingin ko sa pinto ng may kumatok.
Lumapit ako sa pinto para buksan yun. Mga babaeng naka uniform ng pang maid na may dalang pagkain at damit.
Pinadaan ko ang mga babae sa pinto at ng lumabas sila ay saka ko lang naalala kung asan ako.
Lumapit ako sa kama at ginising ko si tiny.
"Uy gising, breakfast na" sabay kalabit ko rito.
Ngunit hindi sya magising. Pinabayaan ko nalang sya matulog baka kasi sobrang pagod nya.
Kumain nalang ako ng pagkain dala ng mga babae kanina pero nag tira naman ako para kay tiny.
Pumasok ako sa isang kwarto don at pag tingin ko ay merong bathtub.
"Wowww" wala sa wisyo kong sabi. May bowl din at ang ganda ng cr. Staka napaka lawak naman.
Hinubad ko ang mga damit ko at lumubog sa bathtub.
'Dati balde at tabo lang ako ngayon, bathtub na.... Nicee'
Pero alam ko kung bakit ako naririto, hindi bilang guest ng reyna kundi bilang isang personal maid ng prinsipe.
Nag madali ako sa pag ligo at nag bihis na. Kumunot ang nuo ko ng makitang dress iyon.
Feeling ko tuloy nasa renaissance period ako.
Ganun ang mga suotan noon. Ang daming layer.
Pagtapos kong magbihis ay tulog parin si tiny kaya lumabas muna ako para mag tanong kung asan ang prinsipe at ng magawa ko na ang trabaho ko.
Dumaan ako sa hallway na may mga nakatambay na kawal.
Feeling ko nanaman isa akong prinsesang naglilibot sa kanyang kaharian.
Feel kong kumanta ng 'And i said, Romeo take me somewhere we can be alone ill be waiting all there's left to do is run you'll be the prince and ill be the princess its the love story baby just say yes'
Sa hindi inaasahan ay may nabunggo akong tao.
"Halaaaa sorry!,sorr---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng napatingin ako sa kanya.
Tumibok ng malakas ang puso ko. Ewan ko ba kung bakit pero---.....
"Ano? Haharang ka nalang ba sa dinadaanan?" Nabalik ako sa wisyo ng mag salita sya. Dikit ang dalawang makapal nyang kilay.
"Sorry---" di kona natapos ang sasabihin ko ng nilagpasan nyako.
Humabol ako sa kanya.
"Wait!" Sabay hawak ko sa braso nya.
Ang bilis nya mag lakad! Hayst advantage sa mga mahahaba ang biyas.
Tumigil naman sya at humarap ako sakanya. Nakadikit na nanaman ang dalawa nyang kilay. Nag ehem ehem muna ako bago nag salita.
"Ako nga pala si Destin ang personal maid mo" sabi ko rito. Napailing nalang sya at nilagpasan ako.
Sinundan ko sya at nakita kong palabas sya ng kaharian nila.
"Uy wait lang!" Sabi ko rito ngunit di man lang ako pinakinggan. Snob amp.
Sinundan ko parin sya at papunta sya sa mga kawal. May sinabi sya rito at umalis iyon.
Napatingin sya sa gawi ko ng malapit nako sa kanya.
Nag inhale exhale muna ako bago nag salita.
"Pwede ba? Wag mokong sundan!" Sabi nya na naiirita sakin.
"Di pwede!" Sabi ko rito. Kumunot naman ang noo nya. Mag sasalita na sana sya ng mag salita ulit ako "Utos ng reyna na sundan kita kung san ka man pupunta! Nag aalala sya sayo kaya susundan kita----"
"Wala akong pakealam. Wag mokong sundan" sabi neto. May inabot na kabayo ang kawal sakanya at sumakay sya rito.
"U---uy! San ka pupunta---" di nya na pinatapos ang sasabihin at pinatakbo nya na ang kabayo.
"Shittt!" Sabi ko. Lumingon lingon ako sa paligid at may nakita akong kawal na may dala dalang kabayo kaya lumapit nako ron at sumakay.
"Hoy----" di kona sya pinatapos at pinatakbo kona ang kabayo.
Kinabahan man dahil first time kong sumakay sa kabayo. Takbo parin ito ng takbo at nakayakap nako sa katawan neto.
"Wahhhhhh!!!" Sigaw ko sa takot. Naiiyak nako.
"H-horsieeeee, d-dahan dahan lang" sabi ko rito.
Ngunit hindi nakinig si horsie at tumakbo lang ito.
Umiiyak nakong nakayakap sa kabayo. Maya maya ay tumigil ito sa pag takbo. Napaangat ako ng tingin ng mag tama ang tingin namin nung prinsipeng bwiset!
"Tang-ina mo ka! Muntik ko ng makita si san Pedro sa langit!" Sabay iyak ulit.
"Sino ba kaseng nag sabing sundan moko?" Dikit kilay na tanong nito.
"Mama mo!"
'blue'
"Tsk" sabi nito.
Maya maya ay tinapat nito ang palad nya sa harap ko at nag tataka naman akong tumingin sa kanya.
'ginagawa mo?'
Nanlaki ang mata ko ng sa di inaasahan ay lumutang ako. Muntik na ulit akong mapamura ng muntik ng lumapat ang muka ko sa sahig.
"Napakabigat amp" sabi neto. Lumingon agad ako sa kanya.
"Hoy! Napakasama netong nilalang! hindi ako mabigat!" Sabi ko rito. Pinaupo nya naman ako sa harap ng kabayo nya. Hindi nya pinansin ang sinabi ko at pinatakbo nalang ang kabayo.
Nag rolled eyes nalang ako sa kanya at humarap nalang sa daanan. Dinama ko ang hangin na tumatama sa mukha ko. Lumanghap ako ng hangin.
"Ahh fresh air---"
"Ano bayang buhok nayan!" Reklamo ng nasa likod ko. Tinigil nito ang kabayo at dikit nanamang kilay humarap sakin. "Itali mo nga yang buhok mo!"
"Ano bang problema mo? Lagi ka nalang galit! Pulang araw moba ngayon!?" Inis kong sabi saknya. Kumunot naman ang noo nya.
"Itali mo nalang yang buhok mo kundi ihuhulog kita rito!" Sabi nito.
"Oo na po!" Sabi ko rito. Wala akong tali sa buhok. Humarap ako sa kanya. Na dikit parin ang kilay. "Wala akong tali" sabi ko rito. Iritado naman syang tumingin sakin. Lumingon sya sa paligid at puro puno ang nakikita ko. May pinalutang syang dalawang stick at binigay sakin. "Anong gagawin ko rito?" Takang tanong ko.
"Lunukin mo" balasubas na sagot nito. Sasagutin ko na sana sya ng pinatalikod nyako. Ginawa nyang bun ang buhok ko at sinaksak don ang dalawang stick. Sakto lang sa akin ang ginawa nya. Hindi sobrang higpit at kaya kong lumingon sa paligid ng di nasasaktan.
"Salamat" sabi ko rito. Hindi nya naman ako sinagot at pinatakbo nalang ulit ang kabayo. "San ba tayo pupunta?" Tanong ko rito na hindi nya naman sinagot. Napasungit talaga neto. Siguro habang pinapatakbo nito ang kabayo naka dikit ang kilay nito. Lagi nalang galit. Parang timang lang.
BINABASA MO ANG
Fantasia of Mageia: The Lost Princess
Fantasyshe is an ordinary woman living in the mortal world. but unexpectedly, they were attacks by the dark creatures. a portal appeared in front of her and she went to the strange world that was new to her. she met many people in that world until she foun...