( Kairan's POV )
'shit! Asan ako?'
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at puro puti lang ang nakikita ko.
'Nasa langit naba ako?'
"Hello Kairan" napalingon ako sa likod ko ng may nag salita. Nalaglag ang panga ko sa tumambad sakin. Puro puti ang suot nya at sobrang itim ang wavy nyang buhok at wala syang muka. Liwanag lang ang meron sya.
"Ah...ahhh aneyong---este hiii po, he-he-he" sabay ilang na ngumiti. Narinig ko naman natawa ang babaeng kaharap ko. Sobrang hinhin nya tumawa.
"Malaki ang nilabag nyong kasalanan iha, at ito ang magiging dahilan upang mag karoon ng malakihang pang digmaan" sabi nito.
'huh? Malaking pang digmaan? Pinag sasabi nito? Tapos anong kasalanan? Pano ako nag kasala? Staka anong nyo? Sino kasama ko?'
"Wag kang mag alala iha, dahil gagabayan naman namin kayo" sabi nito.
"Po? Sino ho kasama nyo?" Curious kong tanong.
"Ako" sagot nito.
'eh?'
Nalukot ang muka ko kasi di ko nagets ang sinabi ng kausap ko ng bigla itong tumawa. Nag halo ang gulat at takot ko ng tumawa ito na parang baliw. Ang puti nyang liwanag ay unti unting nangingitim at ang tawa nya ay parang nahaluan ng kademonyohan.
Naiiyak ako sa takot habang pinapanood ko ang kausap ko.
'MAMAAAA'
Sigaw ko sa isip ko sabay takbo. Lumingon ako sa likod ko at nakita kong tumatawa lang yung kausap ko pero di na sya puti, puro itim na sya at ang nakayuko nyang muka ay unti unting lumingon sa direksyon ko at walang pakundangan na nasa harap ko na at sinakal ako.
"HAHAHAHAHA" tawa nito na may libo libong sumabay. Nilapit nya ang itim nyang muka sa muka ko.
"Hanggat suot mo ang puting kwintas na iyan, di mag babago ang trato ko sayo!" Galit na saad nito. Binato nya ko at napaubo ubo ako sa sahig. Hinawakan ko ang leeg ko at nag taka ng may nakapa.
'a-anong-- San to galing?'
Isang puting kwintas.
'Ngek pano to napunta sa leeg ko? wait, familiar tong kwintas na ito eto yung kwintas sa bag ko ah?'
Napatingin ulit ako sa babaeng sumakal sakin. Napa atras ako ng tumawa sya.
"Sa oras na matigil ang pagkukubli, dun lang magiging maayos ang lahat Kara" sabi nito.
'Huh?'
Ang itim nyang usok ay lumapit sakin at pumunta sa kwintas ko. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Ang sobrang puting kwintas na suot ko ay naging sobrang itim.
Nanginig ang balikat ko sa sakit na dulot ng kwintas.
"Argghhh! Ahhhhh!" Daing ko at unting unti nang hina ang katawan ko hanggang sa bumagsak ako sa sahig at unti unting kinain ng dilim ang paningin ko.
Unti unti kong dinilat ang mata ko at bumungad ang puting ibabaw.
'asan ako? Eto na ba ang tinatawag nilang langit?'
Napangiti ako.
"Tsk" kumunot ang noo ko. "You look stupid" nag breathe in breathe out ako bago tignan ang epal na nag salita. Tinignan ko ang paligid at puro puti ang nakikita ko.
"Asan ako?" Tanong ko sakanya.
"Nasa pagamutan ka" tumango ako. Nanlaki ang mata ko ng maalala ko ang nangyare kanina.
"Ah! Anong nangyare sa mga sumugod sa crystal falls?" Bumuntong hininga sya.
"We retreat. Hindi namin kinaya labanan ang mga pinadala ng dark creatures." Tumango ako. "So, how are you?" Tanong nito. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Uy! Concern si bestfriend!" Sabay hagikhik ko. Nag frown naman ang mga kilay nya at nag rolled eyes. "Halaa!" react sa ginawa nya.
"Mukang magaling ka---what happened to your neck?" Sabay kunot noo nya.
"Huh?" Taka kong tanong sabay hawak ko sa leeg ko. Tumayo sya at lumapit sakin. Kinuha nya ang kamay kong nakahawak sa leeg ko at pinalitan ng sakanya. Nahigit ko ang hininga ko ng napansin ko kung gaano kami ka lapit sa isa't isa.
Nanlaki ang mata ko ng makitang sobrang malapit ng mukha nya. Seryoso syang nakatingin sa leeg ko habang hawak ang kamay ko.
'tsk, gwapo nga talaga oo, argghhh! Bat anlakas ng tibok ng puso ko? Ahh!! Kinikilig bako?'
Nanlaki ang mata ko ng tumama ang tingin nya sa mata ko.
'fvck!'
"Are you ok?" Kunot nyang tanong.
"H-huh?"
"Namumula" napahawak ako sa pisngi ko. Nanlaki ang mata ko ng tinanggal nya ang kamay ko sa muka ko at pinalitan ng kanya. Hinawi ko ang kamay nya at lumayo sakanya.
"Parang tanga to!" Kumunot ang noo nya.
"Anong nangyayare sayo?" Kitang kita ang pag tataka sa muka nya. Hahawakan nya sana ako ng hinampas ko ang kamay nya.
"Ene berh!" Sabay lagay ng buhok sa likod ng tenga ko. Tinignan ko naman ang muka nya at hindi na maipinta ang reaksyon nya.
"Are you possess?" Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Hindi! Hayst!. Ok nako Zaiden, pwede mona akong iwan" sabi ko rito. Kumunot naman ang noo nya.
"Masyado kana atang komportable sakin at nakakalimutan mona kung sino ako?" Sabay smirk nya sakin.
"Eto naman masyadong seryoso, parang di tayo mag kaibigan eh, Sige na, pwede ka ng manatili dito kamahalan" tapos bow ko. Nag rolled eye naman sya sakin.
"I'll stay here for a mean time" Sabi nya sabay upo sa sofa. Mag sasalita na sana ako ng bumukas ang pinto.
"Friend!!! Kilala mo pa ba ako? Ako to si Abi! Bestfriend mo!" Sabay hawak nya sa kamay ko at umiiyak kunware. Kumunot ang nuo ko.
"Destin! Ako to! Si Sanya! Pinaka maganda mong kaibigan!" Napangiwi ako sa kanila.
"A-anongg-"
"O my gosh! Hindi nya na tayo naaalalaaaaaa" sabay yakapan ng dalawa sabay nag iyak. Napa facepalm naman ako.
"Heyo, ate Destin!" Sabay ngiti sakin ng cute na si tiny.
Iiiikkkkkk~ kyotttt!
"Wahhhh! Tiny na miss kitaaaaaa" sabay yakap ko dito. Natigilan naman ang dalawang bruha at nanlalaking tumingin sakin. "Oo naalala ko kayo! Nahimatay lang ako mga sis, di ako na comatose!" Sabi ko sa kanila.
"Wahhhhh! Kala ko talaga!! Na miss kitaaaaaa" sabi ni Abi sakin sabay yakap sakin pati ni Sanya. Natigil lang ang pag yayakapan namin ng may umubo. Napasinghap naman ang dalawa sa nakita nilang lalaking nakaupo sa sofa. Dali dali silang nag bigay galang rito.
"Straight your heads up." Sumunod naman ang dalawa. Naparolled eyes naman ako. Binalik ko ang tingin kay Zaiden at nakatingin pala ito sakin. "I need to go, be well" tumango naman ako.
"Salamat bestfriend!" Sabay ngiti ko rito. Nag dikit naman ang dalawa nyang makapal na kilay. Wala naman syang sinabi at lumabas na ng room ko.
"What.was.that?!" Taka naman akong napatingin sa dalawa.
"Huh?"
"THAT'S PRINCE ZAIDEN!!! Anong ginagawa nya rito?? O my gosh!!" Sabay takip ng bibig ni Abi.
"May relasyon kayo?! Ahhh!!" Napasinghap ang dalawa sabay bow sakin.
"Kamahalan" sabay yuko at sabi nila. Napabuntong ako.
Mga sira talaga. Tsk tsk tsk.
![](https://img.wattpad.com/cover/272002163-288-k454494.jpg)
BINABASA MO ANG
Fantasia of Mageia: The Lost Princess
Fantastikshe is an ordinary woman living in the mortal world. but unexpectedly, they were attacks by the dark creatures. a portal appeared in front of her and she went to the strange world that was new to her. she met many people in that world until she foun...