Tahimik kaming naka rating sa tutuluyan namin. Nilibot ko ang paningin ko. Maganda ang location kung san kami tutuloy. Kitang kita dito ang isang mataas na bundok.
Bumaba nako sa pag kakaangkas ko kay Zaiden. Humarap ako sa kanya ng labag sa loob.
"Ty" sabi ko rito sabay talikod.
Nababatrip ako. Alam mo yung feeling na gusto mong mag ingay kaso may kj? Yon! Yon ang pakiramdam ko. Hayst.
"Bat ganyan ang muka mo?" Tanong ni Keil ng nakalapit ako sa kanya.
"Wala!" Napatalon naman sya sa gulat. "Sorry" hingi ko ng tawad. Kumunot nalang ang noo nya at umiling.
Pumunta na kami sa naka assign na room namin at ang makaka sama ko sa room na naka assign sakin ay isang water guardian.
"Hello" bati nito sakin.
"Hi" bati ko pabalik. Sabay kaming pumunta sa naka assign na room samin.
"Anong pangalan mo?"tanong nito sakin
"Ahh destin, ikaw?"
"Sandra." Tumango ako. Nag ayos na kami ng gamit namin at sa hihigaan namin. "Tapos kana? " Tumango. "Tara gala tayo"
"Ah, hindi na muna ako. Mag papahinga muna ako napagod ako sa byahe eh." Tumango sya.
"Sige, gigisingin nalang kita kapag dinner time na" tumango nalang ako sa kanya. Pag ka sarado ng pinto natulog nalang ako.
***
"Destin, Destin" napadilat ako."Kain na tayo" sabi nito sakin kaya tumango ako. Pumunta ako sa banyo at nag hilamos ng mukha. Nag toothbrush narin ako kase nakakahiya naman mamaya may kumausap sakin tapos amoy imbornal breathe ko.
Sabay kaming bumaba ni Sandra at kami kaming winner ang naroon sa lamesa at si ser Henry.
"Asan yung Royals?" Tanong ko kay Sandra.
"Ah, di sila sasabay satin" tumango ako.
"Ansarap naman ng nakahanda ser Henry!" Sabi ng lalaki sa gilid ng harapan. Siniko naman sya ng katabi nya.
"Umayos ka nga Oli! Kakahiya ka!" Saway nito sa katabi. Natawa naman si ser.
"Masanay na kayo. Dito sa Eden, masasarap ang hinahandang pagkain para sa mga bisita rito kaya dapat bumisita kayo lagi rito"
"Oh? Makaka asa kayo ser! Lagi akong bibisita rito!" Sabay tawa ni Oli. Natawa rin si ser. Siniko sya ng babaeng katabi nya at napangiwi ito. "Ano ba! Ansakit Quin!"
"Umayos ka nga!" Saway nito ulit.
"Oh sya! Tama na yan at mag sikain na kayo at ng makapag pahinga na ang iba sainyo. Marami pa tayong bibisitahin bukas maliwanag bayon?"
"Opo ser!" Sagot naming lahat.
Puro mga karne ng hayop ang naka hain at masasarap na inumin. Pero samin ni Kyle ay bukod dahil bampira kami kaya iba ang inumin namin. Golden deer ang hinanda samin at grabe! Nakapasarap! Napakang satisfying ng lasa nya kaysa sa dugong naiinum namin madalas. Yung lagi naiinom namin ay pampa wala lang ng uhaw pero ito? Ebarg! Ugh! Napatingin ako kay Keil at normal lang ang reaksyon nya.
'Di ba sya nasasarapan?'
After namin mag dinner ay pumunta na kami sa kanya kanyang kwarto. Tulog na si sandra samantalang ako? I'm awake,alert a live, enthusiastic!.
Lumabas nalang ako ng room ko at nag lakad lakad sa labas. May nakita akong wooden chair na naka harap sa bundok kaya lumapit ako ron at umupo.
"It's cold outside" gulat akong napatingin sa kaliwa ko. Si Zaiden pala. Balak ata nito atakin ako sa puso eh! Nag rolled eyes lang ako sa kanya at di sya pinansin. Duh! F.O kami!
Nakarinig ako ng munting halakhak sakanya. Pero di ko parin sya pinansin. Nanatili ang tingin ko sa bundok. Umupo sya sa tabi ko at humarap sakin.
"Galit ka?" Pero di ko sya pinansin.
"Galit ka nga" final na tono nito.
"Hey, why are you mad?" Pero di ko sya pinansin kaya hinarangan nya ang view.
"Ano ba! Model kaba ng patis? Alis!" Sabay hawi ko sa kanya pero nahuli nya ang kamay ko. Natatawang hinuhuli nya ang mata ko. Kung san san na umabot ang tingin ko para di tumama sakanya. Hinawakan nya ang baba ko para makaharap sakanya kaya tumama ang tingin ko sa mga mata nya.
"Did i do something bad?" Tanong neto pero nakangiti. Baliw ata to.
"Bati ba tayo? Bat moko kinakausap?" Sabay rolled eyes ko sakanya. Pero tanging halakhak nya lang ang sinagot nya sakin.
"I don't know what I did to you but please forgive me" Sabi nito. Napatingin ako sa kanya. Nakatitig sya sa mga mata ko.
Kekeleg lola nyo!
"Enebe beh!" Sabay lagay ng buhok sa likod ng tenga ko.
"What?" Natatawang kunot neto. Napatingin ako sakanya at napaayos ng upo.
"Wala!" Sabay iwas ko ng tingin. Natawa naman syang nakatingin sakin. Umupo sya sa katabing upuan ko at humarap din sa bundok. Malamig ang simoy ng hangin ngayong gabi at napaka tanga kong lumabas ng walang jacket. Napatingin ako sa katabi ko na nag hubad ng sweater nya at binato sa muka ko. Tumingin naman ako ng masama sa kanya.
'taenang to! Di man lang mag paka gentleman kahit saglit lang!'
"Napaka sama mo!" Sabi ko sabay kuha ng sweater nya at sinuot. Infairness! Ang bango! Tinalo yung Downy sa bango Hehehe.
"Tama na yang kakasinghot mo" napatingin agad ako sa kanya.
"Di ko sinisinghot ah! Napaka feelingero mo!" Maang ko.
"Talaga ba?" Napatingin ako sa kanya.
"Talaga!"
"Ok sabi mo eh" sabay ngiti nya. Humarap sya sa bundok at tumingin nalang doon. Tumingin nalang din ako sa bundok at tumahimik. Maya maya nagulat ako sa katabi ko ng hinampas nya ang braso nya. Taka naman akong tumingin sakanya. Tinignan nya ang palad nya at may munting insekto don.
May lamok
Tumingin ako sa kanya at balik din ng tingin sa lamok.
"Bakit?" Taka nyang tanong ng pasalit salit ang tingin ko sa kanya pati sa lamok.
"Kung magiging lamok din ba ako, hahampasin mo ba ako?" Kumunot ang noo nya sa inosente kong tanong. Napahawak sya sa sintido nya at biglang umalog ang balikat nya. "Huy!" Kinalabit ko sya at tumingin sya sakin na kagat ang labi na parang pinipigilan nya ang tawa nya.
"Bat ba ang hilig mo mag tanong ng ganyan?" Sabi nya ng nakatingin sakin.
"Huh? Pinag sasabi mo? Ngayon palang ako nag tanong nito sayo" taka kong sabi sa kanya. Tumango naman sya.
" I'm sorry. I just remember someone who ask the same question as you said" tumango naman ako.
"Oh? Sino yung tinutukoy mong na remember mo?" Curious kong tanong.
Ngumiti sya ng tipid."Ah, my lost friend"
BINABASA MO ANG
Fantasia of Mageia: The Lost Princess
Fantasíashe is an ordinary woman living in the mortal world. but unexpectedly, they were attacks by the dark creatures. a portal appeared in front of her and she went to the strange world that was new to her. she met many people in that world until she foun...