08.

1 0 0
                                    

Cyrus.
Kahit kelan talaga 'tong si Aidan perwisyo, madapa sana yung kumag na yon.

Kanina pa ako nandito naka sandal sa may puno buti nalang hindi gaano kainit dito sa pwesto ko.

"hi cyrus! bakit andito ka mag-isa?" tanong ni zach habang tumatakbo papalapit sa akin.

Nako tangina ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayoko naiiwang mag-isa paminsan minsan kasi biglang nasulpot itong kumag na 'to.

"Hindi ako mag-isa may binili lang yung kaibigan ko saglit kaya hindi na ako sumama" pagpapaliwanag ko sakanya

Lumapit siya sa akin at inangat yung kamay niya na may hawak na panyo at tska pinahid niya sa pisngi ko.

"pawisan ka na pati rin ata likod mo, baka mamaya ubuhin ka niyan" imik niya habang pinupunasan yung pawis na hindi ko napansin.

Ang lapit niya masyado naaamoy ko na bagong ligo siya, naligo ata siya kasi may practice sila. Teka tangina nakakapanghina naman ito ang lapit niya masyado.

"ano hindi yan, wala yan" nahihirapan kong sagot sakanya.

"gusto mo ba samahan na kita sa pupuntahan mo? para hindi ka pawisan dito" alok ni zach sa akin habang ako hindi pa rin makagalaw at naninigas sa pwesto ko hanggang ngayon.

Sa puntong ito pinagdadasal ko nalang na biglaang sumulpot kung saan si aidan kasi baka hindi ko na kayanin, nanlalambot na tuhod ko.

"hindi na okay lang zach, parating na rin yun hahaha salamat"

pagkasagot ko non kay zach para akong pinakinggan ni Lord kasi nakita ko sa likod ni zach si aidan naglalakad papunta sa direksyon namin.

"aidan! ay ayun na kaibigan ko zach okay na ako salamat ulit" sabi ko sabay turo kay aidan na malawak ang ngiti habang paplapit sa amin.

"tara na aidan tawag na tayo nila basti, alis na kami zach thank you ulit!" pagmamadali kong hatak kay aidan kahit hindi pa siya nakakalapit gaano sa amin.

"uy ikaw ha, ang sabi ko lang kagabi walang masama na subukan hindi yung agad kang makipag landian" natatawang pang aasar ni aidan.

"eh kung sinusupalpal ko kaya sayo yang pagkain mo? iniwan mo kasi ako tangina" sagot ko

Para akong ice cream na matutunaw kanina, hindi ko alam basta nanghihina ako kanina nung pinunasan ni zach yung pawis ko.

"may pag punas pa sa pawis, ano cyrus wala kang kamay? may alalay?" pangaasar ulit ni aidan

"sinusubok mo talaga pasensya ko" sagot ko sabay hinampas sa ulo niya yung cartolina na agad namang nalukot.

Sabay kaming napatingin sa cartolina na nayupi sa gitna at nalukot dahil sa pagkakahampas ko sa ulo ni aidan.

.Where stories live. Discover now