Zylo.
Marahan akong bumaba para lumabas, hindi ko alam bakit pero kinakabahan ako bumibilis tibok nitong puso ko.
Isang linggo, walang sky na nangungulit sa akin tuwing lunch break, walang sky na bigla nalang sumusulpot sa bahay namin, isang linggong walang ganon
Aaminin ko naging malungkot ako, nasanay ako sa presenya niya na nandito palagi sa tabi ko, pero sa isang linggo na yon narealize ko na nahulog na rin talaga ako.
Mahal ko na rin 'tong kumag na 'to.
"Hi.." bungad ni sky sa akin paglabas ko sa gate
Hindi ako umibo sa kinatatayuan ko, tinititgnan ko lang siya kaya nahalata ko ang pagtataka sa mukha niya
"are you oka-" naputol yung sasabihin niya dahil sa bigla ko siyang niyakap
Hindi ako umimik habang yakap ko siya at ganon din siya, patuloy lang niya na hinahagod yung buhok ko. Para bang sinasabi niya na okay na dahil nandito na siya.
"bwiset ka saan ka galing?" tanong ko sabay angat sa ulo ko para makita ko siya
"hey why are you crying?" pagaalala niyang tanong
Mahina kong kinurot ang tagiliran niya kaya naman umaray siya
"ouch! what was that for?" tanong ulit niya
"gago ka ikaw dahilan nito kaya ako umiiyak"
"tangina mo delafuente, tangina mo talaga" sabi ko habang sunod sunod na pumapatak yung luha ko kaya naman lumapit siya sa akin para punasan iyon
Hindi ko alam kung bakit wala akong galit na maramdaman sakanya, dapat galit ako kasi isang linggo siyang nawala pero bakit ngayong kaharap ko na siya kasiyahan lang yung nararamdaman ko?
"i'm sorry okay, nagkaroon ng emergency sa business ng fam namin sa states." paliwanag niya
"Mahirap paniwalaan pero sa one week na wala ako sa business lang namin ako naka focus, that's the least thing i could do for my family"
"I'm really sorry zylo.." pagkarinig ko non ay ako naman ang nagalala sakanya
"Dapat sinabi mo manlang, okay na ba yung business niyo?" tanong ko
"yeah, kaya nandito na ulit ako. nasa tabi mo"
"mabuti naman at ayos na yon" sabi ko
Tinitigan niya ako saglit
"Why do i still find you cute kahit umiiyak ka?" pangaasar niya kaya kinurot ko ukit yung tagiliran niya
Ito, ito yung namiss ko. Kakulitan niya na nagpapaganda sa araw ko.
"Pasalamat ka talaga langit mahal kita nako" mahina kong sabi
"a-no..?" gulat niyang tanong
"tama ba narinig ko zylo? mahal mo ako?" paninigurado niya
"bahala ka sa buhay mo, hulaan mo" sabi ko sabay talikod at sinarhan yung gate para pumasok na sa loob
"Hey! answer me first do you love me?" pasigaw niyang tanong kaya natawa ako
bahala ka sa buhay mo delafuente.
Andito na siya, andito na yung mahal ko.
YOU ARE READING
.
Fanfictionfilo twt au purposes only, if u wanna read the story visit my writing acc on twitter @lixeyawrites :)