103. sa kalaunan

0 0 0
                                    

Reed.

Inilibot ko ang tingin ko sa sala na ngayon ay maayos na lugar para sa kaunting handa ko kay Calian. Asaan na nga pala yun? sineryoso ata na tagalan niya sa pagbili.

"Hey, can I come in na?" saktong katok ni Calian sa pintuan kaya naman inayos ko na ang sarili ko bago siya pagbukaan

"Happy Birthday to you, happy birthday to you!" kanta ko habang binubuksan ang pintuan at tuluyang nakapasok si Calian

He was watching me with a smile on his face, yan ang ngiti na gusto ko makita lalo na at birthday niya.

"Happy birthday, tink!" bati ko sakanya sabay mahigpit siyang niyakap

"Thank you, tara upo tayo"

We talked and shared funny memories together, kinamusta namin ang isa't isa na para bang matagal kaming hindi nagsama. Ang saya sa pakiramdam kasi kumportable kami sa isa't isa.

"Nagustuhan mo ba yung surprise ko?" tanong ko sakanya habang kumakain

"Actually kanina ko pa alam na may ganito" natatawa niyang sagot na ikinagulat ko

"What?? how wala naman akong pinagsabihan bukod kila blane!!"

"Kanina nung sinara mo bigla yung pinto nakita ko yung happy birthday na balloons" paliwanag niya

Tuluyang bumagsak ang balikat ko. Surprise na sana naudlot pa.

"Don't be upset na nagustuhan ko naman, I really appreciate your effort Reed. Thank you" ngiti niya sa akin kaya naman ngumiti na rin ako

Sabay kaming natawa dahil sa pumalya kong plano para sa birthday niya

"Himala walang alak?" tanong niya

"Yeah, bawal muna sa alcohol"

Ramdam ko na tinitigan niya ako bago siya nagsalita ulit

"Bakit nga pala mahilig ka mag party?" tanong niya

"ayoko sabihin, tatawanan mo ako" imik ko

"try me"

Huminga ako nang malalim bago siya sagutin. "Kasi nung freshman year ko diba niligtas mo ako kay paulo, alam ko na ikaw si tink noon kasi kahit papaano namumukhaan pa kita noon. Pero after nung nangyari sa party na yon wala na ulit ako halos maalala so simula noon lagi na ako sumasama sa mga parties hoping that I would see you in the crowd again." sagot ko sakanya

Marahan niyang ginulo ang buhok ko bago ulit umimik.

"And you did." ngiti niya kaya naman pati ako ay napangiti na rin

"Yung cake mo pala!" bigla kong naalala na may ginawa nga pala akong cake para sakanya

"Cake?"

"Yeah, blow mo dali!" sabi ko sakanya at tumayo para kunin yung cake sa ref.

.Where stories live. Discover now