52. patawad, paalam.

1 0 0
                                    

andrei.
Salamat naman at nandito na kami, pucha gusto ko na humiga sa kama.

"gago gusto ko na humiga" paguunat ko habang pinapark ni kael yung sasakyan

ang ganda dito, lalo na at gabi.

ako yung unang lumabas sa kotse para mag unat kasi nangalay ako sa byahe

"andrei baka gusto mo kaming tulungan dalhin itong mga gamit" imik ni samuel kaya kinuha ko yung cooler na pinaglalagyan nung mga soft drinks

habang naglalakad papunta roon sa bahay nakasalubong namin si manang ising, katulong nila kael dito sa rest house nila.

"hi manang! kamusta na po?" bati ni kael

"mabuti naman ako, siya nga pala andoon na siya sa loob binigyan ko rin pagkain baka kasi gutom na" rinig ko na sagot ni manang kaya nagtaka ako kung sino tinutukoy niya

may aso sila kael?? kelan pa??

"kael may aso kayo? yung pinakain daw ni manang" tanong ko nung umalis na si manang

"gago ka anong aso, lagot ka ron mag tatampo yun sayo ginawa mo siyang aso" natatawa niyang sagot

"tangina mo bakit mag tatampo sa akin yung aso sabog ka ata eh." sabi ko naman na mas lalo niya pang ikinatawa

"tignan mo nalang" sagot niya sabay bukas sa pintuan nung bahay.

at doon may bumungad sa amin na lalaking malawak ang ngiti

andito siya.

.Where stories live. Discover now