58. undelivered love au.

1 0 0
                                    

Zylo.

andito kami ngayon sa isang kainan, malapit lang din sa univ namin para saglitang byahe lang.

"wag na bumusangot zylo, galing mo kanina gagi" kuha ni lash sa atensyon ko

magaling nga, pero sapat na ba yon?

"ulol mo wala ka naman kanina" pangaasar ko sakanya

"gago nag cr kasi ako tas ang haba pala nung pila yawa na yan" depensa niya na ikinatawa naming lahat

kumain lang kami at nagkwentuhan, mga normal na bagay na ginagawa namin palagi. mga bagay na gusto kong gawin tuwing kasama sila kasi isa sila sa mga nagpapalakas sa akin.

"okay, nabusog ako bayad time na" imik ni axcel kaya lahat kami napatingin kay aaron

"tanginang mga tinginan yan" sabi ni aaron at tska inabot kay lash yung cellphone niya

"gago aanhin ko 'to?"

"mag titigan kayo, tanga syempre ipambayad mo gamitin mo gcash nakita ko sa labas tumatanggap daw sila gcash." sagot ni aaron bago siya tumayo

"ikaw na bahala punta lang ako cr." sabay lakad niya papuntang cr

kaming tatlo naman ang nagkatinginan ngayon.

mali atang iniwan sa amin ni aaron pera niya..

.Where stories live. Discover now