Zylo.
Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa bahay at dito nakita ko si mama na nasa kusina at nagluluto
"Magandang umaga sa pinaka maganda ko na ina" biro ko sakanya kaya humarap siya sa akin habang naka simangot
"Nako tigilan mo ako sa ganyan mo zylo, saan ka nanaman galing?" tanong ni mama
"si mama parang may ginawa naman akong masama" natatawa kong sagot sabay tayo upang lapitan siya at yakapin mula sa likuran
Ang saya sa pakiramdam na ganito, kayakap ko si mama. Bukod kasi sa mga kaibigan ko at kay sky si mama at niah nalang ang meron ako.
"Ma..." mahina kong tawag sakanya
"hmm??"
"Ma pasensya na po kung hindi ako gaanong kagalingan sa school, pasensya na po kung wala akong honors at mga medals" imik ko
Humarap sa akin si mama kaya nawala yung pagkakayakap ko sakanya
"Saan mo naman nakuha yan na bata ka ha?"
hindi ako agad naka sagot
"Nung minsan po kasi narinig ko na naitanong sainyo kung may mga achievements daw ba ako sa school, inaantay ko po kayo magsalita non pero wala kayong sinabi"
"kaya akala ko po disappointed kayo sa pag-aaral ko" sagot ko kay mama
Hinawakan ni mama yung kamay ko at marahan itong hinahaplos
"Zylo...anak proud ako sayo, gaya nung sabi ko noon sayo hindi nasusukat sa medalya ang kagalingan ng isang tao."
"Alam mo ba na tuwing aalis ka agad tuwing kakain tawing mag magkakamag-anak ipinagmamalaki ko yung mga ginagawa mo sa eskwelahan, nung araw na sinasabi mo na hindi ako umimik nagsalita ako non kahit tanungin mo pa si niah"
"Anak proud na proud si mama sayo, kahit kelan man hindi mo ako na-disappoint, kahit kelan hindi ka magiging pabigat Zylo" sabi niya
Hindi ko napigilan ang pagpatak nitong mga luha ko, ang saya sa puso marinig yung ganito mula sa nanay ko.
Hinatak ako ni mama para yakapin, ang sarap sa pakiramdam kapag ganito.
"ako rin! sali ako sa yakapan" biglang imik ni niah sa may gilid kaya napalingon kami ni mama sakanya
"halika ka nga rito" natatawang aya sakanya ni mama kaya naman lumapit si niah sa amin
Yinakap niya kaming sabay ni niah.
"Kayong dalawa tatandaan niyo palagi"
"Mahal na mahal kayo ni mama, proud ako sa mga nagawa ninyo kahit gaano pa yan kalaki o kaliit." sabi niya habang yakap niya kami ni niah
Magaan sa pakiramdam kapag maayos na lahat.
Masaya ako, okay na ako.
YOU ARE READING
.
Fanfictionfilo twt au purposes only, if u wanna read the story visit my writing acc on twitter @lixeyawrites :)