86. sa kalaunan au.

0 0 0
                                    

Reed.

Marahan kong inilapag yung cellphone ko sa table stand ko na nasa gilid ng kama.

Halos tatlong oras na akong hindi mapakali, tatlong oras na akong nababagabag

Paano kung si Calian nga si tink?

ang daming tanong, paano? bakit? sa sobrang dami pakiramdam ko isa akong bulkan na handang sumabog

Kung siya nga bakit kailangan niyang mag panggap? bakit kailangan niyang mag sinungaling?

Alam ko na may rason pero ano??

Ang mas hindi ko pa maintindihan ay wala ako maramdamang galit kay calian kung sakali man na totoo nga.

Hindi ko alam kung bakit pero mas lamang yung lungkot na nararamdaman ko

Malungkot kasi nasa tabi ko lang pala yung hinahanap ko pero hindi ko siya maalala

Bago umalis si tink sa Alameda ay naaksidente ako, ang huling tanda ko kasama ko siya nung araw na yon.

He was standing beside me, crying out for help.

Tahimik kaming nakatayo sa gilid ng school nung may kotseng sumangga sa akin

Sa sobrang bilis nung mga pangyayari hindi ko namalayan na malakas din yung pagkakauntog ko sa pader na dahilan para makalimutan ko kalahati ng memorya ko.

————

"Do you want ice cream?" tanong ni tink sa akin habang inaantay namin na mag red yung stoplight

"sige, libre mo ako this time ah ako nanlibre nung nakaraan" imik ko na ikinatawa niya

"Reed!!!!" sigaw niya

Masyadong mabilis ang mga pangyayari, ang alam ko nalang malabo ang pangingin ko at naririnig ko siyang sumisigaw para tulungan kami.

Ramdam ko yung pag kirot ng ulunan ko at kasabay nito ang unti-unting paglabo ng paningin ko

"i'm here, hindi kita iiwan. i'm always here."

———

Napa pikit ako dahil kumikirot nanaman yung ulo ko, dahil siguro sa pinipilit ko nanamang alalahanin lahat.

Yun ang huling linya na narinig ko mula sakanya hanggang sa noong magising ako ay wala na siya

Gusto ko pa ba malaman yung katotohanan? o kakalimutan ko nalang?

.Where stories live. Discover now