49. mmt au.

1 0 0
                                    

Cedric.
Andito kami ngayon ni andrei sa supermarket at umiikot.

"Tangina aya ko arcade binagsakan ko grocery" reklamo niya

"arte mo ang mahalaga may makakain ka" sagot ko naman sakanya.

Umikot lang kami sa loob nung supermarket at hinahanap ang mga kailangan namin sa kani-kaniyang condo.

"gago teka lang need ko nito naubos na itlog sa condo" sabi ni andrei sabay kuha doon sa isang tray

"check mo muna tangek" paalala ko sakanya

"gago pwede ba yan buksan? wala ka sa palengke cedric nasa grocery store ka"

"alam ko, ichecheck mo lang naman minsan kasi hindi maganda" sabi ko sabay bukas sa lalagyanan nung itlog at kinuha ang isa.

Habang tinitigan ko yung kondisyon nung itlog napaangat yung tingin ko sa may unahan namin.

at doon nakita ko si Samuel na may kasamang babae.

nakahawak yung babae sa braso ni samuel at pareho silang tumatawa, wala naman silang masamang ginagawa pero nagiinit yung loob ko.

"Ito kaya cedric? malalaki yung itlo—"

"HOY PUTANGINA MO BAKIT MO PINISA YUNG ITLOG HINDI PA YAN BAYAD!" pananaway sa akin ni andrei kaya nabalik ako sa huwisyo at napatingin sakanya

"huh?? ay gago sorry teka ako nalang mag bayad niyan sa counter" sagot ko habang nililinis yung nabasag kong itlog.

"walangya ka napano ka ba ha?" tanong niya pero hindi ako sumagot kaya tumingin din siya sa lugar kung saan ko nakita sina samuel at yung babae.

"awit sayo cedric" pangaasar niya.

.Where stories live. Discover now