Gavin.
Pagkatapos namin sa agenda namin para sa project ay nag kanya kanya na kaming paalam sa isa't isa.Natira nalang kaming dalawa ni Cyrus kasi inaya ko siya na pumunta sa isang cafe malapit dito.
Kaya ko lang naman siya inaya kasi namiss ko lang siya kasama, sadyang natambakan at naging busy lang siguro kami sa school works.
"alam mo naman siguro na hindi lalapit sa atin yung cafe kung hindi tayo maguumpisang lumakad diba?" sabi ni cyrus na ikinagitla ko.
"my bad natulala ako may iniisip lang" tawa ko sabay kamot sa batok ko.
"tara na punta na tayo sa cafe" sabi ko ulit at hinatak yung kamay niya para lumakad na rin siya.
Pagkarating namin sa cafe ay agad siyang umupo sa isang table at umorder ng pagkain.
Malawak yung ngiti niya. Ang ganda nung ngiti niya. Bagay sakanya.
"Huy tulala ka nanaman, ayos ka lang ba?" kuha ni cyrus sa atensyon ko.
"ha?ano ulit? sorry" tanong ko
"sabi ko ano kakainin mo tulad nalang din ba nung akin?" tanong niya at tumango nalang ako bilang sagot.
"Ano nga pala ganap sainyo ni zach?" tanong ko
Nagdalawang isip pa ako kung tatanungin ko siya nito baka kasi hindi ko kayanin kung ano man ang isasagot niya.
"gagi wala yun, kinukulit lang niya ako kaya ganon yun" depensa niya.
Mag sasalita sana ulit ako pero saktong dumating na yung pagkain kaya hindi nalang ako umimik ulit.
tahimik aiyang kumakain habang may mga ngiti sa labi.
God how i wish i was the reason behind his smile.
"Cyrus are you happy?" tanong ko bigla kaya napatigil siya sa pagkain at tinignan ako sa mata
"Yes, im happy. very happy" sagot niya habang may malawak na ngiti sa labi
that's all i need to know, i won't block his source of happiness. As long as he's happy.
YOU ARE READING
.
Fanfictionfilo twt au purposes only, if u wanna read the story visit my writing acc on twitter @lixeyawrites :)