Reed.
Hindi ko alam kung ilang araw na ang lumipas simula nung sinabi ni Calian na hindi naman niya talaga ako mahal.
Dahil sa pangyayari na yon ang daming tanong na pumasok sa isip ko at patuloy na binabagabag ako
Ganon ba ako kadali iwan? Hindi ba ako mahalaga? May kulang ba sa akin? May mali ba akong nagawa?
Ilan lang ito sa mga tanong na hindi ako pinapatahimik, tanong na si Calian lang ang makakasagot. Pero paano mangyayari yun kung iniwan niya ako?
Akala ko noon sa palabas lang nangyayari yung mga ganitong eksena, napapaisip pa ako noon kung anong pakiramdam maiwan ng taong mahal nila. Ngayon ito na ako, halos mabaliw kakaisip kung anong kulang at nagawa pa rin akong iwanan.
Natuon ang atensyon ko sa cellphone ko na biglang umilaw, senyas na may mensahe akong natanggap
Malaking parte ko na dinadasal na sana galing kay Calian yung mensahe na natanggap ko pero mukhang sadyang malabo na talaga ang lahat
A message from Blane.
YOU ARE READING
.
أدب الهواةfilo twt au purposes only, if u wanna read the story visit my writing acc on twitter @lixeyawrites :)