22.

2 0 0
                                    

Cyrus.
Kanina pa dumating si gavin pero walang umiimik sa amin, pareho kaming tahimik na kumakain.

"asaan boyfriend mo?" biglang tanong ni gavin kaya napatigil ako sa pagkain, nasaan nga ba? hindi ko rin alam.

"may biglaan lang daw na kailangan gawin" nakayuko kong sagot

"pinag antay ka niya tas hindi lang siya sisipot?" ramdam ko yung diin at galit habang nagsasalita siya

"hayaan mo na baka busy lang din yung tao"

"you are being stubborn again, bakit ikaw hindi ka ba busy? tambak din tayo ng gawain ah? but look at you nagawa mo pa ring maglaan ng oras para sakanya. it wouldn't hurt for him to give you a little bit of time as well." sagot niya

Hindi nalang ako umimik baka kung saan nanaman mapadpad itong usapan namin at lalo kaming mag-away.

"I'm sorry i just got mad, my bad" imik ulit niya

"i'm just worried about you cyrus knowing how your past relationships went and knowing the trauma that it gave you."

"gusto lang kitang alagaan." imik ni gavin.

Gets ko naman na kung bakit malaki galit niya kay Zach, siguro kasi siya mismo nahirapan na magtiwala sa mga taong mamahalin ko.

Lahat kasi sila sinaktan ako, lahat sila iniwan ako. Ako palagi yung talo sa dulo.

"salamat at sorry din naiintindihan ko naman na yung side mo ngayon" sagot ko.

.Where stories live. Discover now