Aaron. (2)
Nasa kusina kami ngayon ni ellis, inaayos namin yung mga ingredients na gagamitin para sa graham balls.
Halos hindi ako makatulog nang maayos kagabi, hindi dahil sa hindi pa rin maayos ang pakiramdam ko
Dahil sa masaya at excited siguro ako? excited kasi kasama ko si ellis gumawa.
"paano nga ulit ito?" kuha ni ellis sa atensyon ko kaya napalingon ako sa gawi niya
"hahaluin mo lang yung all purpose at condensed milk" paliwanag ko at agad niya naman itong sinunod
Mahina akong natawa sa pagiging masunurin niya, kanina pa siya focused sa ginagawa niya. Napaka seryoso niya ngayon.
Minuto ang lumipas tahimik lang kaming gumagawa hanggang sa pinahiram ako ni ellis sa mukha nung natirang condensed at all purpose
"Talaga nga naman ellis aba!" sigaw ko sabay pahid din sa mukha niya noong condensed
Tumawa kaming dalawa hanggang sa napansin ko na masyado palang naparami yung pahid ko sa mukha niya kaya lumapit ako para punasan iyon.
Noong nakalapit na ako kay ellis ay napatigil siya sa pag-ibo
Halos isang dangkal nalang ang layo ng mukha namin sa isa't isa
Yung puso ko...parang sasabog.
"I can feel your heartbeat ellis" imik ko habang marahang pinupunasan yung kalat sa pisngi niya
"mabilis diba?" tanong niya
"alin yung heartbeat mo? oo"
"ikaw lang nakakapag paganyan sa puso ko santos" imik niya kaya napatingin ako diretso sakanya
We stared at each other, walang umiimik pero ramdam mo yung pagiging komportable namin sa isa't isa.
"alam ko"
"thank you for making me feel happy" ngiti kong imik sabay pahid sa mga natirang dumi sa mukha niya
Ganito ata talaga, masaya ka sa piling niya kahit simpleng mga bagay lang yung ginagawa niya.
Gusto ko na ganito nalang palagi
Gusto ko nasa tabi niya ako palagi.
Parker tama ba na papasukin na rin kita sa puso ko?
YOU ARE READING
.
Fanfictionfilo twt au purposes only, if u wanna read the story visit my writing acc on twitter @lixeyawrites :)