40. twisted fate.

1 0 0
                                    

Louisse.
Andito na kami ni Gab sa cafe na sinasabi niya pero walang naibo sa aming dalawa.

"Alam mo hindi lalapit sa atin yung pagkain pag walang umoorder" pabiro kong sabi at natawa naman siya

"Hindi ka kasi nagsasalita riyan malay ko ba" natatawa niyang sagot

"eh kasi hindi naman ako sanay na may kasamang famous"

"huh? famous ka riyan" tanong niya at natawa.

Si Gab kasi ang heartthrob sa university namin, dibale halos kahit sa sulok nitong cafe may nakakakilala sakanya.

"totoo naman tignan mo yung mga student na andoon sa may dulo na table" nguso ko at pasimple naman siyang lumingon sa tinuturo ko

"kanina ka pa tinitignan niyang mga yan tas pag napapalingon ka magwawala yan sila"

"feeling ko nga hinusgahan na nila buong pagkatao ko kasi kasama mo ako" natatawa kong sabi

"don't mind them nasayo naman atensyon ko kasi ikaw kasama ko" sabi niya at lumingon sa akin

utang na loob Gabriel Trevor hihimlay ako nito.

"yabang mo, bili ka na nga pagkain don" sagot ko sabay yuko para hindi ko na makita yung mukha at mata niya

Kumain muna kami bago nagusap tungkol sa gagawin naming video para sa project.

"May idea ka ba na pwedeng gawin na video para rito?" tanong niya

"Sa totoo lang meron kanina pa habang nag eexplain si sir"

"Since about siya sa value ng life why not mag road trip tayo tas ayun ifilm natin?" masaya kong tanong sakanya nakita ko naman siya na nakangiti habang nakikinig sa akin.

"Nice pwede pwede" pagsangayon niya.

"pero what kind of places yung mga pupuntahan natin?" bogla niyang tanong

"hmm kung saan tayo masaya" nakangiti kong sagot.

.Where stories live. Discover now