Zylo.
Marahan kong nilibot ang mata ko sa studio, tahimik. Walang ingay na maririnig sa kung saan man, payapa sa loob at malayo sa magulong paligid mula sa labas.
Dito yung takbuhan ko, dito ko nalalabas kahinaan ko.
Tanda ko pa nung huling araw na pumasok ako rito sa studio, after yon nung family gathering sa bahay ng tita ko. Dito ako tumakbo non para iiyak lahat kasi ayoko makita ako nila mama at niah na ganon ako
ayoko na may makakita sa akin na mahina ako.
Pero alam ko na nung araw na yon hindi ako mag-isa sa studio, nakita ko si sky non sa may gilid nung pintuan. Nakaupo lang siya doon sa gilid, nung una akala ko may inaantay lang siya pero napansin ko na matagal na siyang nakaupo ron
nakita niya siguro ako na umiiyak, hindi ko alam bakit at paano pero hindi ako nakaramdam ng kahit anong hiya nung nalaman ko na nandoon siya.
Ang tanging naramdaman ko lang ay alam kong ligtas ako sa tabi niya
"fuck hello i'm sorry late ako" hingal na pasok ni sky sa loob ng studio
tinitigan ko siya at tska pumasok lahat sa akin na kaya pala niya sinabi na see you when i see you ay dahil dito
ayaw niya talaga ako lubayan.
"ano nanaman ba itong pakana mo langit ha?" irita kong tanong
"told you i'm stuck with you" ngiti niyang sagot
itong mga ngiti niya na yan tuwing makikita ko yan pakiramdam ko nasa karera yung puso ko
"dinamay mo pa si coach sa kabalastugan mo"
"siguraduhin mo lang na magaling ka sumayaw dadagukan kita langit" iling ko sakanya kaya natawa siya
"ano tinatawa mo naman dyaan?" tanong ko
"wala, you look cute pag naiinis ka"
"makes me wanna annoy you more" lokong sagot niya
sinusubok talaga nitong nilalang na ito ang kapit ko kay Lord.
"huminga ka lang naiirita na ako" sabi ko sabay tayo para lumapit doon sa speaker
"sabi ko naman sayo diba layuan mo na ako sky"
"wala kang mapapala sa akin ako na nagsasabi sayo delafuente" imik ko pero wala akong narinig na sagot mula kay sky kaya akala ko lumabas siya saglit
"aalis lang ako sa tabi mo pag sinabi mo na sa akin harapan na ayaw mo ako kasama"
"tell me zylo, gagawin ko."
YOU ARE READING
.
Fanfictionfilo twt au purposes only, if u wanna read the story visit my writing acc on twitter @lixeyawrites :)