48. mmt au.

1 0 0
                                    

Samuel.
Naglalakad na kami ni theo papunta ron sa cafe na pinuntahan daw ni cedric sabi ni andrei.

"lawak mo ngumiti ah" pangaasar ni theo

"ganyan ba talaga pag nagmamahal"

"ganito ka rin naman ngumiti pag kasama mo si kael gago" natatawa kong sagot.

Natahimik kaming saglit bago siya ulit umimik.

"samuel, pano pag tinaboy ka ni cedric?"

"lalayo ka?" maingat niyang tanong.

paano nga ba? lalayo ba ako?

"kung yun ang gusto niya talaga edi ayun ang gagawin ko"

"hindi naman kasi natin pwede pilitin yung isang tao na gustuhin tayo" sagot ko.

"edi pag tinaboy ka wala na?" dagdag niya

"sabi ko lalayo lang ako, wala akong sinabi na hindi ko na siya mamahalin magkaiba naman yon." nakayuko kong sgaot.

Malapit na kami sa cafe na sinabi sa amin ni andrei kaya dinouble check ko na yung pagkain na ibibigay ko kay cedric kung tama ba.

"theo masarap pala—"

"aray gago bakit ka tumigil muntik na matapon yung pagkain" sabi ko sakanya nung nabangga ko siya kasi tumigil siya sa paglalakad.

"samuel tara balik na tayo kay andrei" bigla niyang sabi at pilit akong hinahatak patalikod.

"huh? teka gago iaabot ko muna kay cedric yung pagkain kasi favorite niya 'to" sabi ko

"mamaya mo na iabot halika na alis na tayo, kawawa naman si andrei ron walang kasama" pagdadahilan niya

parang may mali eh, parang hindi siya mapakali.

"gago ka napapano ka ba?? at ayaw mo puntahan natin si cedric?? ayun na yung cafe oh" sabi ko sabay lingon doon sa cafe at doon ko nakita kung bakit pinipilit ako ni theo na umalis.

si cedric...kayakap si lyan.

.Where stories live. Discover now