Kael.
Mag-isa akong nakaupo rito sa lugar na sinabi ni theo, nasaan na ba yon?
Tahimik ang lugar, malayo sa mga maiingay na sasakyan sa kalasada.
Inilibot ko ang paningin ko sa venue na pinaghandaan ni theo, he never fails to amaze me.
Kada anniversary namin palagi siyang may handa. Kahit pa anong sabi ko na ayos na yung kasama ko siya naghahanda pa rin siya.
I'm forever grateful to have him as my partner
"Happy anniversary mahal!" masiglang bungad sa akin ni theo
Malawak ang ngiti niya habang inaabot sa akin ang isang bouquet
"Kulit mo talaga ano? sabi ko kain lang tayo sa labas" natatawa kong sabi
"Yep, labas naman 'to ah?" sagot naman niya habang inilibot din ang tingin sa venue
Umiling nalang ako kaya natawa rin siya at umupo sa harapan ko
Dumating na rin yung pagkain at inihain na ito sa harap namin, halatang pinaghandaan talaga 'to ni theodore mula sa venue hanggang sa pagkain lahat magarbo.
"Theo hindi ba masyado itong madami? Anniversary lang naman natin walang fiesta" natatawa kong tanong
Hindi siya sumagot kaya inangat ko ang tingin ko sakanya para makita kung nakikinig ba siya, nakita ko na tinitigan lang niya ako habang may malawak na ngiti sa kaniyang labi.
"Today is a special day for the both of us mahal." imik niya
Ano ba sinasabi nito?
"Later, eat muna tayo mahal. Fave mo ito diba?" alok niya sa akin
Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain, marami kaming napagusapan habang nakain.
"Mahal?" tawag sa akin ni theo
Andito kami ngayon sa isang upuan na nakaharap sa magandang view mula sa taas ng building.
"hmmm?" tahimik kong sagot
"You know that I love you right?" tanong niya
"Ano nanaman ba yan Theodore" natatawa kong tanong
Tuwing anniversary talaga namin napaka corny nitong si Theo, malay ko ba rito bakit naging ganito ito.
"Ilang years na tayong magkasama?" tanong niya kaya nilingon ko siya
"Five Years to be exact mahal, bakit?"
"Five years is long enough for you to marry me right?" bigla niyang tanong kaya naubo ako sa sinabi niya
marry???
"Ano? kasal?" paninigurado ko
Pagkasabi ko non ay tumayo si Theo at marahang lumuhod sa harap ko
Yung puso ko...yung tibok...ang bilis
Theodore sa limang taon na magkasama tayo ganon pa rin epekto mo sa puso ko...
"I wanna spend more years with you kael"
"not as my boyfriend..."
"but as my husband." imik niya habang nakaluhod at inilabas ang maliit na singsing sa mula sa bulsa niya
"Ezekiel Corales, will you marry me?"
***
"Dada!! gutom na keo where food po?" kuha ni keo sa atensyon ko
"Gutom ka ulit? halos kauubos mo lang nung biscuit mo kanina ah?" natatawa kong sabi kaya binuhat ko siya para umupo sa binti ko
It's been years simula nung inampon namin ni theo si keo, taon matapos namin ikasal napagdesisyunan naming ampunin si keo.
Keo was a blessing sent from above.
"Dada? asan po si papa theo diba po sabi niya sabay tayo mag didinner kasi po anniversary niyo?" tanong ni keo
Simula nung inampon namin si keo naging tutok si theo sa pagtratrabaho, para raw may magandang kinabukasan si keo.
"Papa theo is on his way na" pagkakasabi ko nito ay narinig namin na may kotsemg pumarada sa labas kaya nagmamadaling tumakbo si keo para salubungin ang papa niya sa pintuan
"Papa!" sigaw ni keo nung pumasok mula sa pintuan si theo
"Hi baby, how are you?" tanong ni theo habang buhat niya si keo
"Day well spent po with dada! we played and kumain po kami madami" masayanh kwento ni keo sa pap niya
Nilingon ako ni theo at nginitian ako, bumaba mula sa pagkarga ni theo si keo at tumakbo sa mga laruan niya kaya lumapit naman si theo sa akin.
"Kamusta work?" tanong ko nung maramdaman ko na niyakap niya ako mula sa likuran
"Tired" maikli niyang sagot
"Pahinga ka na sa taas, ako na bahala rito sa baba" sagot ko pero hindi umibo sa pagkakayakap sa akin si theo
"Nawala na pagod ko, kasama ko na yung pahinga ko" malambing na sabi ni theo
"Happy anniversary mahal, i love you always."
"kayo ni keo ang pahinga ko" sabi ni theo bago kumawala sa pagkakayakap sa akin at pinuntahan si keo para samahang maglaro
Naiwan akong nakatayo at tinitignan sila,
Nagtatawanan sila ni keo habang naglalaro
This view, ito yung view na hindi ako magsasawang makita.
Mananatiling pahinga mula sa nakakapagod na mundo.
YOU ARE READING
.
Fanfictionfilo twt au purposes only, if u wanna read the story visit my writing acc on twitter @lixeyawrites :)