Cyrus.
Magkasama na kami ni aidan na naglalakad papunta sa univ."napano ka ba at sumabay ka sa akin ngayong pagpasok?" tanong ko sakanya kasi hanggang ngayon nagtataka ako kung bakit siya sumabay sa akin.
"gago kasi naligaw ako nung nakaraan eh hindi ko pa kabisado rito kaya nakisabay ako muna" sagot niya sabay kamot sa batok.
oo nga pala bagong lipat sila, hindi pa nila alam mga pasikot sikot dito lalo na sa loob ng univ marami ring naliligaw sa first day nila rito.
Nakarating na kami sa loob ng univ at naglakad ulit kasi medyo malayo pa yung building namin mula sa main gate.
"cyrus may nanliligaw na ba sayo?" biglaang tanong ni aidan
nakakabigla naman 'to mag tanong delikado pala 'to kung ano-ano lumalabas sa bibig.
"tangina nakakagulat naman yang tanungan mo"
"sagutin mo nalang, nagtataka lang naman" dagdag niya.
"wala naman kasi—" bago ko pa man matapos sasabihin ko eh may nakisabat na
"uy cyrus!" sigaw niya habang tumatakbo palapit sa amin ni aidan.
"tangina nga namang umaga yan" bulong ko
kelan ba tatahimik buhay ko at kelan ba ako titigilan nitong kumag na 'to?
YOU ARE READING
.
Fanfictionfilo twt au purposes only, if u wanna read the story visit my writing acc on twitter @lixeyawrites :)