99. sa kalaunan

0 0 0
                                    

Reed.

Naglalakad lang kami ngayon ni Sab papunta sa kakainan namin, katatapos lang nung shoot niya at pareho kaming nagutom at napagod.

"I'm really glad na sinamahan mo ako rito ngayon" imik niya

"Oo naman! ayos lang naman sa akin yun"

"and sorry kasi pinag sinungaling kita kay cali about this, i just really want to talk to you na tayong dalawa lang" sabi niya sabay tingin sa akin at ngumiti

"Maiintindihan ka naman siguro ni calian, may gusto ka bang sabihin sa akin?" tanong ko sakanya

Tumigil sa sa paglakad at marahan akong tinignan, ilang segundo bago ulit siya umimik.

"Thank you for loving Calian. Thank you for making him happy Reed."

Hindi ko alam kung bakit pero ang saya marinig non mula sakanya, para bang pinagkakatiwalaan niya ako kay Calian.

"Please never leave him. Hindi man halata pero kailangan ka niya sa tabi niya Reed."

Mahina siyang natawa at lumakad papalapit sa akin para yakapin ako.

Ang gaan sa pakiramdam nung yakap niya, masaya ako na may kaibigan si Calian na pinahahalagahan siya.

.Where stories live. Discover now