Calian.
Nandito ako ngayon sa presinto, kaharap yung lalaking dahilan kung bakit nasa hospital ngayon si Reed.
"Manong, may nagbayad po ba sainyo para gawin 'to?" mahinahon ko ulit na tanong sakanya
Kanina pa kami rito pero kahit isang beses ay hindi siya umimik, halata ang takot sa mga mata niya na para bang nababahala siya sa nagawa niya
Iimik sana ako ulit nung may naunang nagsalita na lalaki sa likuran ko
"I'll deal with him." boses pa lang alam ko kung sino na ito.
My Dad.
pagkarinig namin dito ay agad na tumayo at lumuhod sa harap nung tatay ko si manong
"Boss, hindi ko po sinasadya masaktan yung lalaki....boss natakot lang po ako nung binalak niya tanggalin yung takip sa mukha ko...natakot lang po ako kasi may pamilya at anak ako" imik ni manong habang umiiyak sa harap ng tatay ko
Saglit na tumahimik ang paligid, hindi ko magawang tignan sa mata yung tatay ko. How could he do something like this?
"Bumalik ka ron sa upuan mo at ako ang bahala sayo pati sa pamilya mo, lalabas ka rito." sagot nung tatay ko kay manong
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumabas sa presinto kahit dinig ko ang pagtawag sa akin nung tatay ko.
Kailan ba talaga umabot tayo sa ganito?
YOU ARE READING
.
Fanfictionfilo twt au purposes only, if u wanna read the story visit my writing acc on twitter @lixeyawrites :)