12.

2 0 0
                                    

Cyrus.
Halos katatapos lang nung klase namin sa prof namin. Dumiretso agad kami sa canteen paano gutom nanaman ata 'tong mga 'to.

"pucha sana pala kanin nalang pinabili ko sayo kanina cyrus, bitin yung tinapay" pagrereklamo ni aidan habang naglalakad kami papuntang canteen

"ang abusado mo naman masyado, ilan ba yang bituka mo at ang lakas mo lumamon" sagot ko sabay batok sakanya gagantihan niya sana ako pero pumagitna sa amin agad si basti

"tangina ang haharot ninyo walang araw na hindi kayo nagmumurahan" sabi ni basti habang pinipigilan si aidan na gantihan ako.

"pinalitan nila kayo ni ellis, parang dati kayo pa yung kailangan awatin" natatawang sagot ni gavin sa gilid ko

Nakarating na kami sa canteen at sakto na wala pa masyadong tao kaya nakapwesto kami sa medyo malaki na lamesa.

"sino ang mabutihing nilalang ang oorder para sa atin?" ngiting tanong ni kian

sabay-sabay kaming tumginin kay jairus na agad namang sumama ang tingin sa amin.

"tangina nga naman oh halos kauupo ko lang eh" pagrereklamo ni jairus na ikinatawa namin

"dali na mabait ka naman diba" sagot ni ellis habang sinisiko si jairus para tumayo na at kumuha ng pagkain

"wag mo akong sinisiko tangina mo halika tulungan mo ako, wala akong galamay para buhatin lahat yon" sabi ni jairus sabay hatak kay ellis na walang nagawa kundi sumama

Napalingon ako sa may gilid ko nakita ko si gavin tahimik habang nakatingin lang sa cellphone niya.

Tumayo ako saglit kasi may bibilhin ako. Pambawi lang kay gav.

Feeling ko kasi medyo nagkaroon kami ng onting tampuhan simula nung nag-usap kami tungkol kay zach.

Naiintindihan ko naman siya, nagaalala siya para sa akin. Normal naman na yun para kay gavin lagi niya akong inuuna bago sarili niya.

Bumalik ako sa pwesto ko at inabot sa harap ni gavin yung fruit shake.

"what's that?" tanong niya sa akin

"bati na tayo?tanong ko pabalik sakanya

at gaya nung dati ngumiti lang siya at inakbayan ako.

"bati naman talaga tayo, nagalala lang ako sayo" sagot niya

"alam ko pero ayos lang naman sayo diba?"

natagalan bago siya sumagot

"oo. ayos lang sa akin cy" sagot niya at tinapik tapik balikat ko

.Where stories live. Discover now