23. last page au.

2 0 0
                                    

Asterin.
Nakaupo na kami ni mama sa table dito sa isang restaurant na alam kong favorite niya. Palagi kasi kami rito kumakain noon kasama si papa.

Matagal ko na siya gusto dalhin ulit dito, huling kain namin dito buo pa kaming pamilya.

Take my mom on a date.

"Tagal na rin pala nagin hindi napunta dito ano anak?" imik ni mama habang kumakain.

"oo nga po ma eh"

"kasama pa natin papa mo nun, naaalala ko inaasar ka pa niya non" sabi niya habang nakangiti.

"Ma, sorry po" bigla kong sabi na ikina tigil ni mama sa pagkain at tumingin siya sa akin.

"saan anak?"

"sorry po kung hindi ko kayo nadamayan manlang noong mga panahon na nawala si papa"

"sorry po kasi nag kulong lang ako sa kwarto palagi at halos hindi na kumain."

"sorry po kung nagalala kayo sa akin... ma sorry kung naging pabigat ako nung mga panahon na yon" isang bagsakan kong sinabi.

Hindi ko napigilan, sunod-sunod na pumatak yung luha ko. Matagal ko na gusto ilabas lahat nung mga sinabi ko.

Tinitigan lang ako ni mama, ngumiti siya at kinuha niya yung kamay ko. Hinahaplos niya yung kamay ko na para bang sinasabi niya na ayos lang, na para bang wala akong kasalanan.

"anak, wala kang ginawang masama nagluluksa ka nung mga panahon na yon kaya naiintindihan kita"

"at kahit kelan man hindi ka naging pabigat sa akin. anak kita nanay mo ako obligasyon ko na alagaan ka" sabi niya

My mom is very understanding and that's what i love about her the most. Hindi niya pinaramdam sa akin kahit minsan na mag-isa ako.

My mom is my best friend.

"Thank you ma, hindi ko po alam kung ano gagawin ko kapag wala ka"

"Thank you for all of the sacrifices that you made just to make me feel happy." naka ngiti kong sabi kay mama

Tell my mom how thankful i am.

.Where stories live. Discover now