klaus.
Lahat kami ngayon ay naghahanda na dahil malapit na mag-umpisa yung freshman walk para sa school year na ito.
Napatingin ako sa booth na kaharap namin, lahat sila na andodoon ay busy sa mga gawain pero sa isang tao lang natuon ang atensyon ko.
kay Isiah,
Matagal na rin akong may gusto kay Isiah, simula jhs namin sakanya lang natuon yung atensyon ko. Sikat si Isiah lalo na sa kababaihan, sino ba namang hindi magkakagusto sa matalinong tao na tulad niya?
Taon na lumipas simula nung nagustuhan ko siya pero hindi pa rin ako umaamin, hindi nga ata alam niyan na nag eexist ako sa mundo. Ayos na ako sa ganito, sino ba naman ako para humangad pa ng higit dito hindi ba?
"Huy!" malakas na sigaw ni Renz sa may tenga ko kaya naman wala sa wisyo kong nahatak yung tali na konektado sa baldeng may tubig
Kasabay nito ang paglamig ng buong katawan ko dahil sa tubig na bumagsak sa akin, dinig ko rin ang malakas na tawanan nung mga tao na nakapaligid sa amin.
"Gago ka pre bakit mo hinatak maliligo ka pa lang ba" natatawang asar ni Ven sa akin. Lumingon ako kay Renz na ngayon ay nginingitian ako
"Kumag ka Hinrez!" sabay habol ko kay Renz na tinakbuhan na ako
Sabi ko magiging maangas ako sa harap ni Isiah, ano naman 'to? paano na ako aangas niyan.
YOU ARE READING
.
Fanfictionfilo twt au purposes only, if u wanna read the story visit my writing acc on twitter @lixeyawrites :)