62. undelivered love.

0 0 0
                                    

Zylo.

ano nanaman ba kaya ang pakana nitong langit na 'to

pagbukas ko sa gate namin bumungad si sky na nakasandal sa kotse habang may malawak na ngiti.

"ano nanaman ba kailangan mo delafuente?" pagsusungit ko sakanya

sino ba namang hindi mababadtrip kung ang matatanggap mo eh boxers, mukha ba akong walang boxer na suot.

"umagang umaga zylo ang sungit mo" natatawa niyang sagot

"aba sino ba naman matutuwa sa umaga kung ikaw ang makikita"

"teka pano mo ba nalaman address ko ha? stalker ka noh?" tanong ko kaya tinawanan niya ako

"tangina ka anong nakakatawa?" saway ko sakanya

"you know what? para sa isang taong magaling sa debate ang tanga mo" tawa niya

"but that's okay I still find you cute tho"

tangina ano ba sinasabi nito, ganito ba talaga pag mga taong kulang sa pansin

"tangina mo langit hindi ako nakikipag landian ah" sabi ko sakanya

"may waybill remember? doon ko nalaman address mo. manang took a picture of the waybill kaya nakita ko pa address mo" ngiti niyang sagot

hindi ako umimik kasi doon ko lang narealize na oo nga pala at may address yung waybill. zylo oras na siguro para wag gawing hobby ang pagiging tanga.

"oh ngayon ano kailangan mo?"

"here" sabi niya sabay abot sa akin nung malaking brown paper bag sa ibabaw ng kotse niya

"ano yan? tangina mo baka boxers nanaman yan ah" tanong ko

"silly, adyaan na yung photocard mo kinuha ko ron sa kaibigan ko" ngiti niya

kinuha ko yung paper bag at tska ko sinilip kung ano yung laman

"mcdo?" tanong ko

"hmmm, saw your tweet earlier na nagugutom ka kaya nag drive thru ako bago pumunta rito" sagot niya

puta sinusuhulan ba ako nito?

"dami mong alam, salamat pwede ka na umalis"

"lubayan mo na ako sky utang na loob" sabi ko sabay talikod sakanya, isasara ko na sana yung gate pero umimik ulit siya

"what if i don't want to?"

"kung nasaan ka gusto ko andoon din ako zylo."

.Where stories live. Discover now