56. undelivered love au.

1 0 0
                                    

zylo.
matapos ko ipresent yung video ko nakita ko na malawak yung ngiti nung prof ko.

"gagi ang galing nung gawa mo" puri ni nat sa akin nung pagbalik ko sa upuan

"ganon talaga cool kid ako eh" natatawa kong sagot na ikina-simangot naman niya

ito talaga ang hirap biruin, parang kala mo pinagkaitan eh.

"joke lang gago hindi ka mabiro, napaka sungit mo kaya wala kang jowa" pangaasar ko ulit sakanya bago ako tuluyang umupo

"pero bakit parang familiar yung presentation mo?" tanong niya

"bakit parang napanood ko na dati.."

"nako nat kulang ka lang sa tulog" depensa ko, nako baka malintikan pa ako nito kung nagkataon.

"tignan mo mata mo dinaig mo pa yung nasa kung fu panda" natatawa kong sabi

aawayin pa sana ako ni nat pero biglang tumayo si sir jason sa upuan niya na ikina-gitla naming lahat.

"okay, everyone did a great job with their presentation" sabi nung prof ko

"now listen."

"we will be having a debate and sa klase ko na ito ako kukuha ng representative" nako bakit parang kinakabahan ako rito ah

hindi naman sa natatakot ako, naitry ko naman na sumali sa mga ganito nung mga nakaraang taon.

"Mr, Decolorado will be our class representative for the debate"

putangina.

.Where stories live. Discover now