14.

1 0 0
                                    

Cyrus.
Nasa isang restaurant na kami ni Zach hindi rin gaano kalayuan mula sa univ para agad din kaming maka kain.

"akala ko ba hindi mo alam kung saan tayo pupunta pero bakit parang planado mo na ha?" tanong ko sakanya

paano kanina dirediretso siya sa paglalakad na parang alam niya na agad kung saan kami pwede mapadpad.

"last minute, who would go out on a date with someone tas hindi nila alam kung saan sila pupunta right?" natatawa niyang sagot

sabagay miski ako kanina nagiisip na rin kung saan kami pwede pumunta pero wala akong maisip na magandang lugar kung saan pwede ko siya sagutin.

"oo nga pala diba same prof tayo sa isang subj?" tanong ko

"yep! dami niya nga pinapagawa hindi ko alam kung kaya ko ipasa lahat on time lalo na at naghahabol kami sa training" sagot niya habang huminga ng malalim

Hindi naman siguro masama kung tutulungan ko siya diba? he looked really tired and drained.

"send mo sa akin yung iba sa email ko tas tulungan kita" sabi ko at napa ngiti ako kasi nakita ko na mas lumawak yung ngiti niya pagkasabi ko non

"sure ka ba dyaan?"

"oo nga send mo nalang tas i'll help you" ngiti ko

Madilim na rin nung lumabas kami sa restaurant na yon, napatagal ata kwentuhan naming dalawa.

Hindi kami agad sumakay, naglakad lang kami.

Medyo malamig, tahimik yung daan at walang gaanong sasakyan yung dumadaan

i think this is a good time to tell him na?

"ay ano nga pala ulit yung sasabihin mo?" biglang tanong ni zach kaya napatigil ako sa pagiisip kung paano ko sasabihin

"ang alin?" tanong ko

"kanina? diba sabi mo may sasabihin ka?" natatawa niyang tanong

"ay ayon, ano kasi yon" nahihirapan kong sagot

tangina paano ba 'to? may tutorial ba nito sa youtube?

"yung ano??" tanong ulit niya

"ready na ako"

"sinasagot na kita zach."

.Where stories live. Discover now