112. btl au.

0 0 0
                                    

klaus.

"Isang Café Latte po large" imik ko kay ate na nasa cashier

"name po nila?"

"KD nalang po" sagot ko sabay abot nung bayad at umupo na malapit sa may bintana.

Hawak ko ngayon ang libro at notebook ko para sana mag review para sa quiz namin bukas, hindi ako nakapag notes kanina sa sobrang pagod ko sa photoshoot namin.

Ngayon napapaisip ako kung tama ba na pinasok ko ang council lalo na at graduating ako, panigurado tadtad kami sa gawain.

"Café Mocha for customer Isiah!" para bang nabinggi ako sa narinig ko na pangalan

hindi siguro siya yun, maraming isiah sa mundo pagpapakalma ko sa sarili ko na hindi mapakali. nasakto nalang na nahagip ng mata ko si isiah na papalapit sa cashier.

"Café Latte for customer KD!" tawag sa akin

Bakit ba naman kaya naisabay pa ang order ko sakanya, sa puntong ito pinagdadasal ko na sana hindi nalang muna ako umorder.

Kaya nga ako naparito para makapag focus sa reviewer!! putek pano na yan sa iba nanamn ako mag fofocus nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

.Where stories live. Discover now