Calian.
"Ohmygod Cali! you look like hell" bungad sa akin ni San pagdating niya sa kwarto ni Reed
Nilapitan niya ako at marahang hinawakan ang aking mukha para tignan ito nang mabuti.
"Grabe na yung under eyes mo, natutulog ka pa ba?" tanong niya kaya mahina akong natawa
"I'm awake 24/7" sagot ko sabay tingin kay Reed na mahimbing pa rin ang tulog
"waiting and hoping that soon enough magising na siya" malungkot kong imik
"Don't worry he will, sayo mismo galing na malakas siya" paninigurado niya sa akin
Saglit kaming natahimik, ako ay kay Reed nakatuon ang atensyon samantalang ramdam ko na sa akin nakatuon ang atensyon ni Sab.
Tila ba inaaral ang bawat ekspresyon ko sa mukha para lang masabi niya kung ano ang kalagayan ko sa mga panahong ito
"You okay? is there something bothering you?" mahinahon niyang tanong
Alam niya talaga kapag may mali o may problema ako.
"Sab, am i being selfish kasi pinili ko manatili sa tabi ni Reed kahit alam ko na baka mapahamak lang siya at ang pamilya niya?" malungkot kong tanong
"Calian never kang naging selfish sa kahit sino, hindi mo kasalanan na walang inisip si tito kung hindi business niya"
"None of this is your fault, i hope that you won't blame yourself kasi kung si Reed mismo alam itong sitwasyon mo hindi niya iisipin na selfish ka." sagot niya
Huminga siya nang malalim bago ulit nagsalita
"Hindi mo dapat pinakikinggan si tito sa mga ganitong bagay, he's just manipulating you para sisihin mo sarili mo"
Nginitian ko siya at malalim na huminga
"When is your flight?" tanong ko
"Tomorrow morning."
"That's why you wanted to visit him" sabi ko kanya
"Well, I still blame myself for the accident" malungkot niyang sagot
"Like what you said earlier wala akong kasalanan so i'm telling you the same thing Sab. You don't have to blame yourself anything."
"Enough na yung hindi ka pumayag sa utos ni Dad" sabi ko sakanya
Tumayo siya at inayos ang sarili bago lumapit kay Reed at sinuklay ang buhok nito.
"Still, when he wakes up please tell him i'm sorry"
"I will" sagot ko sakanya
"I have to go now, aayusin ko pa mga gamit ko" paalam niya sa akin
"Have a safe flight Sab, see you soon." imik ko sabay tayo para yakapin siya.
"You deserve all the good things here on earth Cali, i'm sure you will find a solution for this. I trust you."
YOU ARE READING
.
Fanfictionfilo twt au purposes only, if u wanna read the story visit my writing acc on twitter @lixeyawrites :)