59. undelivered love au.

0 0 0
                                    

Zylo.

medals, katawa naman pakinggan yon hahaha. lumaki akong hindi gaano katalinuhan, kilala ako sa pamilya namin bilang happy go lucky na bata.

yung tipong basta pumasa na estudyante ayos na, basta walang bagasak okay na.

lumaki akong nasanay sa ganong pamamaraan pero bakit ngayon parang iba na? para bang ang bigat na sa pakiramdam tuwing may hindi ako mataas na grado??

bakit ang hirap makita na yung nanay mo walang maipagmalaki na ginawa ng panganay niya??

sabi nila pag panganay ka pressured ka to aim large things in life. pag panganay ka dapat successful ka. yun ang sabi nila

pero paano kung hindi ko kaya?

paano kung hirap ako?

paano kung kulang yung lakas ko?

"you okay?" biglang imik nung nasa harapan ko kaya inangat ko yung tingin ko at dito ko nakita si sky

"ano naman sayo kung hindi" sagot ko, ewan ko rin kung bakit ko siya sinungitan. baka trip ko lang.

"damn who hurt you?" tawa niya kaya sinimangutan ko siya lalo

"ano bang ginagawa mo rito?? sinusundan mo ba ako??"

"hoy ikaw crush mo ako noh?" seryoso kong tanong sakanya

binibiro ko lang naman siya kaya hindi ko inaakalang sasagutin niya yung tanong ko

"if yes, may chance ba ako?" diretso niyang sagot kaya hindi ako agad naka-imik

para akong nawalan ng dila na hindi maka imik, ramdam ko yung puso ko na bumibilis yung tibok.

ano ba zylo para kang tanga.

"gago, ano ka high school??" pabiro kong sagot

"tigilan mo ako ha doon ka humarot sa department ninyo nangangapit bahay ka pa sa ibang department" dagdag ko kaya natawa siya

"walang cute sa department namin"

"sa department ninyo meron" sagot niya habang naka ngiti lang sa akin

jusko po mahabagin ano ba ito

"ewan ko sayo putangina mo isasakal ko sa leeg mo yung medal" sagot ko tska iniwan siya para pumasok sa loob nung office

rinig ko yung tawa niya bago ako tuluyang pumasok sa office

ano ba gagawin ko sayong nilalang ka.

.Where stories live. Discover now