Cyrus.
"hoy sebastian dala mo ba id mo?" tigil ko sa paglalakad at hinarap siya para tanungin
"oo tanga minsan ko lang naman makalimutan" sabi niya sabay tulak sa akin paalis sa daanan
pano pag badtrip 'to maraming nalilimutan na gamit tas madalas pa id, kaya buti nalang pinapasok nalang siya nung guard kahit walang id.
nakakatakot ba naman yung mukha nito pag badtrip eh.
pagpasok namin sa room nandon na sila gavin, kian, jairus, at ellis nagkukumpulan sa gilid habang nag aantay sa prof.
"andito na yung bagong lipat?" tanong ko sakanila nung makalapit na kami
"wala pa mamaya pa ata kasama ni sir" sagot ni kian
magsasalita pa sana ako pero biglang pumasok si sir kaya dumiretso nalang ako sa upuan katabi si basti.
"good day everyone" bati nung prof namin
may dalawang lalaki na nakatabi sakanya, siguro sila yung bagong lipat.
"before we start the discussion ipapakilala ko muna yung new students natin" sabi ni sir sabay senyas na magpakilala sila.
"good day, my name is Bryce Fuentes you can call me Bry for short." simpleng pagpapakilala nung nasa kaliwa
"hi, ako si Aidan Cloud Garcia pwedeng aidan nalang para hindi mahaba" pagpapakilala naman nung nasa kanan
"okay, doon nalang kayo maupo sa tabi nila Mr, Delgado at Vergara" turo nung prof namin sa bakanteng upuan na nasa tabi namin ni basti
"hi!! nice meeting you, ako si cyrus pwedeng cy nalang hehe" masigla kong pagpapakilala mabuti at nginitian naman nila ako
"hello, sebastian vergara basti for short but you can only call me that once close na tayo" mabilisang pagpapakilala ni basti
"ayun isa pa naming tropa si gavin" turo ko kay gav na nasa kabilang parte ng classroom
"nice so uhm, can we join you sa lunch and other stuffs?? since wala kaming kakilala pa" tanong ni bryce
"yep, oo naman no prob" sagot ko.
new friends, mukhang magiging maingay ang gc na scrambled ah.
