Zylo.
andito na kami pero parang ayoko tumuloy, parang ayokong pumasok sa loob at makasalamuha sila.
nakaka walang gana pumunta sa mga family gathering lalo na at ang madalas na nagaganap lang dito ay payabangan, pataasan, at pagkukumpara.
"kuya" kuha ni zarniah sa atensyon ko
"tara na? nasa loob na si mama" aya niya sa akin.
bahala na siguro, dapat sanay na ako sa ganito.
pagpasok namin bumungad sa amin yung mga pinsan ko na halos kasing edad ko lang din at ni niah. hindi rin naman kasi nalalayo yung edad namin ni niah sa isa't isa.
"andito na pala kayo! halika upo kayo" bati sa amin nug tito ko
kwentuhan at tawanan lang ang naganap hanggang sa lahat kami lumipat na sa kusina para kumain
"kamusta ang pag-aaral niyang bunso mo na si niah?" tanong nung tita ko kay mama
"mabuti naman, nakakaya naman niya mataas din naman ang mga grades" ngiting banggit ni mama
totoo naman yun, sa aming dalawa ni niah siya talaga yung mas masipag.
kung minsan nga sakanya pa ako lalapit para magpaturo, ako 'tong kuya pero ako pa 'tong tinutulungan niya
"nako ito ring bunso ko napaka galing sa klase, balita ko nga tatakbo raw siya bilang president sa ssg nila sa school" ngiting sabi ni tita
hindi kami umimik saglit, siguro kasi alam na nila kung saan patungo yung usapan
"eh si zylo ba?" tanong ni tita
inaantay ko marinig yung sagot ni mama habang naka yuko lang ako sa pinggan ko
"maayos din naman, sumali siya sa debate nung nakaraan lang" sagot ni mama
"talaga ba?" gulat na tanong ni tita
"oo, nanood nga kami ni niah non sa school nila" natutuwang sabi ni mama
"nako, nanalo naman ba?" dagdag na tanong ni tita
hindi sumagot si mama
"nako zylo sa susunod na sasali ka siguraduhin mo na mananalo ka"
"sayang naman pagpunta nitong mama mo at kapatid mo kung hindi ka mananalo diba?" imik ni tita
hindi ako umimik, naka yuko lang ako. pinipigilan ko yung pag patak nitong luha ko.
dahil sa sinabi niyang yon napa isip ako, oo nga noh?? si niah umabsent, si mama hindi pumasok sa trabaho para lang panoorin akong matalo
ang bigat sa pakiramdam.
"ayos lang, may mga ibang pagkakataon pa naman magaling pa rin naman si zylo" biglang imik ni mama
"itong kasing panganay ko napili rin ng school nila na lumaban sa iba pang school pano napaka galing daw sa klase" dagdag ni tita
"excuse me po punta po muna akong cr" bigla kong sabi sabay tayo para lumabas sa kusina
hindi ko kaya mag tagal doon sa loob, masyadong mabigat sa pakiramdam.
naiintindihan ko naman na gusto niya ipagmalaki yung mga nagawa nung mga anak niya. pero bakit kailangan pang ipamukha sa akin na hindi ako kasing galing nila?
paulit-ulit nalang. pakiramdam ko ang minamaliit ako palagi.
nakakasawa na.
YOU ARE READING
.
Fanfictionfilo twt au purposes only, if u wanna read the story visit my writing acc on twitter @lixeyawrites :)