65. undelivered love.

0 0 0
                                    

Zylo.

Andito nanaman ako kaharap sila, tuwing makakaharap ko sila nahihirapan akong huminga, para bang alam ko na agad mga mangyayari pag sila kasama ko.

"kamusta ang pag-aaral niyang mga bata?" tanong ni tita

"mabuti naman, hindi naman sila nagiging pabaya" sagot ni mama

Nakita ko na tinignan ako nung tita ko at sa puntong yon alam ko na yung mga susunod pa niyang sasabihin

"malapit na grumaduate pala itong si zylo ano?" tanong ni tita

"oo ilang taon nalang ang natitira" maikling sagot ni mama

"with honors ka naman ba niyan zylo?" diretsong tanong sa akin ni tita ko kaya hindi ako agad naka imik.

"hindi pa po sigurado, pero sinusubukan ko naman po" tahimik kong sagot

"nako dapat ayusin mo yan, alam mo nung minsan naitanong ng iba pa nating kamag-anak ang mama mo kung ikaw daw ba ay mga achievements sa school"

"walang naisagot mama mo, kaya ayusin mo pag-aaral mo para maipagmalaki ka niyang mama mo sa iba" sabi ni tita

Para akong nabingi, pumasok sa isip ko yung araw na yon. Yung araw na hanggang ngayon bumabagabag pa rin sa akin.

Araw kung saan inisip ko na baka nga, baka nga pabigat lang ako sa magulang ko

.Where stories live. Discover now