Ellis.
Saktong pagka-dismiss sa amin ay agad akong tumakbo papuntang clinic para tignan kung ayos lang ba si aaron.Hindi ako mapakali kanina nung nareceive ko yung message ni zylo, buti nalang minuto nung matanggap ko yon eh nag dismissal na agad.
"Aaron?" tawag ko pagkapasok ko sa loob ng clinic
"Shh wag ka maingay oy, andito kami" tahimik na saway sa akin ni zylo kaya lumapit ako sakanila
Dito nakita ko si aaron na natutulog sa kama at sa gilid nito ay si zylo na nakaupo.
"Ano nangyari?" halos pabulong ko na tanong kay zylo
"Food allergy" sagot niya
food allergy? pucha dahil ba sa inorder ko??
"Wag mo na isipin masyado hindi yan galit sayo, hindi mo naman alam na allergic siya sa hipon" paninigurado ni zylo sa akin bago siya tumayo
"Ikaw na muna bahala rito, bantayan mo muna si aaron" sabi niya at tanging tango nalang ang naisagot ko
Food allergy.....sa hipon...
I looked at him and that's when I saw red marks on his neck...must be one of the allergy reactions he had.
ano ba yan ellis, umpisa pa lang palpak ka na.
YOU ARE READING
.
Fanfictionfilo twt au purposes only, if u wanna read the story visit my writing acc on twitter @lixeyawrites :)