Lash.
Andito kami ngayon sa arcade ng mall, lahat sila ay naglalaro samantalang ako ay binabantayan yung mga bag nila sa gilid.
"Lash!! ayaw mo ba mag racing? may token pa si Ellis dito" sigaw ni Zylo pero umiling nalang ako bilang sagot
Gustuhin ko man makipaglaro sakanila ay hindi ko kaya, ramdam ko ang pagsakit ng sikmura ko habang pinagmamasdan sila
"tangina sana pala kumain ako kahit tinapay" bulong ko ka sarili ko at umupo habang yakap ko ang tuhod ko
Ilang minuto akong nasa ganong posisyon pero hindi pa rin humuhupa yung sakit na nararamdaman ko mula sa sikmura ko.
"tara, tayo ka na" tawag sa akin ni Axcel kaya tinignan ko siya
"Ha? saan??"
"Alam ko gutom ka na kaya tara na kain na tayo" sagot niya sabay hatak sa akin palabas sa arcade
"Hoy pano sila Aaron?? sabay daw kakain ah" reklamo ko sakanya
"Eh sa nagugutom ka na aantayin pa ba natin sila?"
Sino ba naman hindi mahuhulog sa ganitong klase ng tao diba??
