Cyrus.
Tapos na kami kumain pero naisipan nila na dito muna kami kaya kami na ngayon ang pinaka maingay sa loob ng canteen.Sakto lang din kasi inaantay ko pa si zach at sa kung ano man yung ibibigay niya.
"may inaantay ka? kanina ka pa lumilingon sa entrance palitan mo nalang kaya yung guard?" pagbibiro ni aidan
"tangina mo umiinit nanaman dugo ko sayo bakit hindi ikaw pumalit? si zach daw dadaan dito" sagot ko
bago pa man sumagot ulit si aidan nakita ko si zach na pumasok sa entrance ng canteen.
May hawak siyang brown na paper bag habang malawak yung ngiti na naglalakad papunta sa amin.
"wow may dayo" pangaasar ni kian, halos lahat kasi sila nakatingin na kay zach bukod kay gavin na busy pa rin sa cellphone.
"ano yan? tinapay din?" tanong ko nung maka lapit siya sa akin at inabot sa akin yung paper bag.
"yep! pero may palaman, dalawa yan ubusin mo ah" natatawa niyang sagot
Sinilip ko yung paper bag, may dalawang burger sandwich sa loob. Box pa lang halatang mamahalin na.
"baliw ka mahal ata 'to tas yung binigay ko na tinapay sayo tig tres lang" sabi ko sabay abot sakanya pabalik nung paper bag
"baliw ayos lang yon, binili ko yan para sayo talaga" natatawa niyang sagot at nilapag ulit yung paper bag sa lamesa.
"una na rin ako inaantay na nila ako eh"
pagkasabi niya non ay binuka niya yung kamay niya, sensyas na humihingi siya ng hug. gago talaga ang kulit.
niyakap ko nalang din siya pero saglitan lang kasi nagingay bigla yung mga tropa ko baka palayasin kami sa canteen nito.
"naks Mr, loverboy" pangaasar ni ellis kay zach
"gago, una na ako ah" sagot nito at tska umalis na.
Gavin.
Narinig ko na inaantay ni cyrus si zach kasi may ibibigay daw ito sakanya."bro, you good?" bulong ni bryce sa akin
Nginitian ko nalang siya bilang sagot at bumalik ako sa pag iiscroll sa cellphone ko
Maya-maya pa ay dumating na yung kanina pang iniintay ni Cyrus.
he's holding a brown paper bag. probably the thing that cyrus is waiting for.
"gusto mo ba mauna na tayo lumabas?" pag aalok ni bryce
i know he's worried about me. kaya niya ako inaaya maunang lumabas sa canteen.
"nope i'm fine don't worry" i smiled at him kahit na alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko
Binaba ko yung phone ko kasi nakaalis na si zach at tinignan ko si cyrus.
he's staring at the brown paper bag with a wide smile on his face.
i can really tell that he's happy. genuinely happy.
YOU ARE READING
.
Fanficfilo twt au purposes only, if u wanna read the story visit my writing acc on twitter @lixeyawrites :)