04.

1 0 0
                                    

Gavin.
Sabay kaming lahat pumunta sa kakainan namin para pagusapan kuno yung project.

pero kilala namin isa't isa kaya alam namin na wala kaming mapaguusapan na matino

"san tayo niyan kakain?" tanong ni cyrus sa gilid ko habang naka kapit sa laylayan nung bag ko

cute, parang batang takot mawala.

"kain tayo sushi para maiba naman" sagot ni kian

"wow bigatin sushi bakit libre mo?" asar ko sakanya

"joke tapsilog nalang kung ganon" sabi niya na ikinatawa ko nalang.

"sige na doon nalang tayo para maluwag din, hindi tayo kakasya sa tapsilogan" sabi ni basti sa may gilid namin ni cyrus.

Pagkarating namin sa kakainan diretso na kaming umupo.

Agad din kaming umorder dahil halos lahat kami eh gutom na at wala pang kain.

"gago angas pala rito may libreng ice cream" biglang imik ni ellis sa gilid katabi si jairus.

napatingin kaming lahat sakanya kasi wala namang nabanggit na may libreng ice cream.

"HOY GAGO KA HINDI ICE CREAM YAN!!" sigaw ni jairus pero bago pa niya mapigilan si ellis nasubo na nito yung kalahati ng wasabi na nakalagay sa maliit na lalagyan.

tangina sinong tanga ang mag aakala na ice cream ang wasabi.

"putangina ellis tatanga tanga" pangaasar ni kian

hindi na naka-ibo si ellis, namumula na rin buong mukha niya, naramdaman na niya siguro yung anghang kasi tumakbo s'ya papunta sa cr habang kami halos mahulog na sa upuan kakatawa sakanya.

.Where stories live. Discover now