34.

1 0 0
                                    

Cyrus.
Nung umalis na si gavin tumahimik kaming lahat. Walang nagsasalita.

"Seriously cyrus?" panimula ni basti

"what now?"

"That was very insensitive of you cyrus, kung hindi mo siya gusto pabalik at least learn to appreciate the efforts that he gave you."

"Hindi mo alam yung pinagdadaanan nung tao." sagot ni basti

Hindi ako nagsalita kasi alam ko naman na may mali sa mga sinabi ko, siguro dahil na rin sa naka inom ako kaya nadala masyado yung emosyon ko.

"Natawag ka niyang tanga at manhid kasi ayaw niya na bumalik ka ulit kay zach hindi para piliin mo siya, alam niya kasi na sasaktan ka lang ulit nung kumag na yon." biglang sabi ni jairus sa gilid habang kumakain.

"Nadala lang din siguro siya ng emosyon kanina, may problema rin kasing pinagdadaanan."

Problema?? bakit wala siyang nabanggit sa akin kahit ano??

"His step mom and dad are planning to get a divorce and gavin is trying his best na mapigilan yun kasi ayaw niyang lumaki si aliyah na hindi buo ang pamilya."

so that's why madalas niyang kasama si aliyah nung mga nakaraang linggo.

"bilang panganay na naranasan yung may hindi buong pamilya alam ni gavin kung gaano yun kahirap, kaya ayaw niya maranasan yun ni aliyah"

right, gavin's mom and dad also broke up and never had a chance to marry each other. nasa puder talaga siya nung mom niya noon napunta lang siya sa dad niya after mamatay nung mom niya.

at a very young age namulat si gavin sa realidad ng mundo. baka nga ayun din yung dahilan kung bakit ayaw niya maranasan ni aliyah yung hirap at lungkot na dinanas niya.

"Hindi niya sinabi sayo kasi ayaw niya na makadagdag sa problema na dinadala mo." dagdag ni basti.

"I'll talk to him nabigla lang din siguro ako kaya ko nasabi yun." sagot ko.

"Talk to him nicely. He could break anytime soon." sabi ni basti sabay tapik sa balikat ko.

.Where stories live. Discover now