June 6 (D-3) Fix my room, work as gardener, and find a river or lake to stay awhile.
------
Another day----- Masayang kong sinalubong ang araw na ito. My Day 3, dito ako natulog sa kwartong naka locked kahapon. And yes! nabuksan ko na, malaki ang kama at hindi sira, merong bedsheet at mga unan na sa tingin ko ay hindi pa nagamit dahil mabango, merong kumot na malinis at sobrang komportable ako sa kwartong Ito. Merong malaking aparador at Kabinet. Merong lamang mga kumot at bedsheets ang kabinet, kaya i'm so thankful. Wala akong nakita na isang damit, dinala yata ng may ari dahil inabandona nila ang bahay na ito? It's sad to think about!
Kinuha ko ang maletang dala ko at inumpisahan kong ayusin ang mga dala kong damit, nilagay ko sa kabinet. Tinira ko lang ang black longsleeve at black leggings, hanggang sa maari ay kailangan kong itago ang balat ko. kumuha din ako ng underwear para after kong maayos itong kwarto ay makaligo na ako. Medyo malagkit na talaga ako dahil hindi pa ako nakapalit at hindi pa ako nakaligo mula ng nakarating ako dito. Ewsss! Ang baho ko na nga!
Kulay itim ang pintura ng kisame, habang ang wall naman ay gray. I love this room! Walang sapot ng mga gagamba siguro dahil hindi sila makapasok dahil walang sira itong kwarto. May hindi kalakihang bintana na glass, I think sliding window ang tawag dito? Maayos naman kailangan lang mapunasan ng malinis na basahan para matanggal ang alikabok. This room is full of dust. This place is risky for my health, but I don't care. I am living it as normal.
Winalisan ko ang buong kwarto at pinunasan ang mga alikabok, ganito pala ang pakiramdam na mabuhay! Ramdam ko na nabubuhay nga ako. I am enjoying what I'm doing right now! After kong linisan ang buong kwarto ay nakaramdam ako ng pagod, uhaw at gutom. Nahiga ako saglit sa kama at napatingala sa kisame, gusto kong lagyan ng glow in the dark na buwan at bituin ang kisame, maybe next time.
Tumayo na ako at uminom ng tubig sa mineral bottle, buti nalang at pinadalhan ako ni dark ng maiinom at makakain, binuksan ko ng bisquit at inumpisahang kainin after that ay uminom ulit ako ng tubig, finally busog na ako. Kinuha ko ang dala kong tuwalya at dumeretso sa banyo. May tubig na ako na kinuha sa balon, kaya may pampaligo na ako. Hinubad ko ang bawat saplot ko at inumpisahang basain ang aking malagkit na katawan. Ang sarap ng tubig, medyo malamig pero okay lang. Napakit ako sa kumirot ang sugat ko sa pulsuhan, buti nalang naka longsleeve, at puro longsleeve lahat ng damit ko, hanggang maaari ayaw kong makita ang sugat sa pulsuhan ko at ang mga red spots sa balat ko na nag papaalala lang sakin sa buhay ko doon sa hospital at sakit ko, I don't want to remember how my life stinks.
I don't know how to wash my clothes. Meron akong dalang bathroom amenities and equipment, kaya meron pa akong nagagamit.
Bahala na nga, basta labhan ko nalang kahit hindi tama. After that, bumihis ako at nag toothbrush, saka ko nalang sinampay sa labas ang suot ko kasama na ang underwear.
Sinuot ko ulit ang nag iisang tsinelas ko at lumabas ng bahay, basa pa ang aking buhok at magulo dahil makalimutan kong magsuklay, may dala akong suklay pero andoon sa kwarto.
Napatingin ako sa abandoned park, tanging mga ibon, hampas ng hangin, at pagkalagas ng dahon mula sa mga puno ang naririnig kong ingay. Medyo malayo pa ang lalakarin ko para makarating sa bahay ng lalaking iyon. It's okay, gusto ko naman na maglakad nalang para ma exercise ko ang aking katawan, and after a few minutes, natatanaw ko na ang puting bahay na pinapaligiran ng mga punong kahoy, halaman, at mga bulaklak. That guy living there—I don't know if he's alone or not. I never ask a question about him, I'm not interested at all. That guy always asked me, Masyado s'yang matanong. I don't want to tell him the truth. I'm a liar—a big liar. Even to myself, I'm denying what life has been like before. I'm not Pien now, because I am Britney.
BINABASA MO ANG
100 Days Before I Die
Romance"It all began 100 days from that awful day. It wasn't only a bucket list but it became a lifeline - how I could squeeze out every minute of happiness of my already determined number of days. It may have put an expiration date on my life, but it won'...