August 04-08 D-63-67
PS. Unexpected moments
(It means Pein Claire Clifford failed on doing her list)
August 09 D-68 Shopping.
ㅡㅡㅡㅡ
I just woke up hating sleep. Halos magtampo ako kay Manang dahil sa hindi niya ako ginising man lang. Sa bagay, kahit ano pa ang gawin ni Manang, hindi naman ako makagising. Sabi sa akin ni Manang, tatlong araw akong nakatulog at dalawang araw na rin ang nakalipas simula noong naka-gising ako. Limang araw akong naghintay kay Dark Harris, pero hindi siya dumating. P-Paano ba naman siya dadating kung di niya naman alam kung nasaan ako?
"M-Manang, saan pa natin siya mahahanap?" Naging basag ang tinig ko, nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa mga namumuong luha. Nasa tabi ko lang si Manang na nagtitimpla ng gatas. Saglit siyang tumingin sakin at agad na napaiwas. Is she hiding something? Hindi ba talaga sila nagkita?
Binigay sakin ni Manang ang gatas nang hindi ako tinitingnan sa mata. Mabilis kong inubos ang isang baso ng gatas, hindi naman mainit masyado.
"W-Wala na akong magagawa. Nakakalungkot man, pero nagbago ang pakikitungo sakin ni Sir Darwin. Hindi pa daw nakauwi ang Kuya niya." may bahid ng lungkot niyang sabi. Is she just lying, right? Hindi naman ganoon si Xavier eh! Hindi naman maglalaho na lang bigla si Dark Harris! Hindi siya ganoon eh!
"H-He's not like that!" I complained. She just sighed and immediately hugged me. Is Manang also hiding the truth from me?
"B-Bumalik na lang tayo sa mga magulang mo, iha. W-Wala na tayong magagawa, Britney. Ganito talaga ang iyong kapalaran. Mas mabuting kausapin mo ang Daddy mo." mahinang sabi niya. Kahit anong gawin ko, ang kapalaran ko ay ito na talaga.
The person I wanted to protect has completely walked away from me. What else can I fight for? I'm not fighting for anything now! Maybe Manang is right that I should go back to my parents.
"M-Manang, b-babalik tayo sa bahay. Pasensya kana kung pati ikaw ay nadadamay." Wala sa sarili ang sabi ko. I couldn't stop my tears anymore.
Muling bumalik sa alaala ko ang sandaling huli kaming nagkasama. Naiisip ko pa rin ang lahat-ang huling sandaling iyon ay parang naging trauma para sakin.
That place! That guy!
"D-Dark Harris, what is your wish now?"
"F-For us to spend our lives together. F-For us to die at the same moment and be together forever, that's my prayer. I-In life and in death, together forever."
That day, was he just lying?
"Britney iha!" Narinig kong sigaw ni Manang. No please! I want to see him.
I slowly opened my eyes. Where am I? Every corner is familiar.... black ceilings and white walls. Am I really home? I'm in my room. My eyes shifted to the woman holding my hand.
"M-Mom?" I said softly. Dahan-dahang umangat ang kaniyang ulo. Napangiti siya ng makitang gising na ako.
"My P-Pein." She smiled.
I am sorry for being your Pein, Mommy.
I feel sorry for her. Hinaplos ko ang magandang mukha niya. Hindi pa rin naghihilom ang mga pasang natamo niya.
"I-Ilang araw ba akong walang malay?" I asked weakly. Inayos niya saglit ang magulo kong buhok bago ako sinagot.
"Almost 5 hours." Ngiti niya. 5 hours? I smiled a bit. Dapat ba akong matuwa dahil hindi ganun katagal tulad ng inaasahan ko?
BINABASA MO ANG
100 Days Before I Die
Romance"100 days before I die. I made a bucket list for everything I want to experience in my remaining days. It wasn't only a bucket list but it became a lifeline - how I could squeeze out every minute of happiness of my already determined number of days...
