July 31 D-59
PS. Unexpected moments
(It means Pein Claire Clifford failed on doing her list)
August 01 D- 60 Love between hatred.
ㅡㅡㅡㅡ
It's 3:21 in the morning. No'ong dumating kami ni Manang Kim ay wala kaming nadatnan, tanging ang tahimik naming mansyon. Malaki nga pero walang kaligayahan. I feel empty.
I have a duplicate key, so we still got inside.
Napatingin ako kay Manang Kim, nakaupo siya sa kabilang kama habang nagbuburda. Maging siya ay nadadamay dahil sa kapalaran na ito. Nakakaawa ang buhay ko.
Nilapag niya ang kanyang binuburda sa taas ng kama. Agad siyang lumapit sa akin at naupo sa tabi ko.
"Binibini, magtitimpla ako ng kape para sa'yo. Wala ka pang kinain, buong araw ka ring nakatulog." sabi niya sa akin. Sandali niyang sinuklay ang aking buhok. Naiilang ako sa titig niya, parang may gusto siyang itanong pero hindi naman niya masambit.
"Ayos lang ako." I smiled.
"M-Manang, magtimpla ka rin para sa'yo. Saluhan mo ako, tapos mag-uusap tayo." Ngiti ko rin. Kahit sandali lang ay gusto kong makausap si Manang Kim, gusto kong marinig ang kwento at mga opinyon niya.
Tumango-tango siya sa akin, at ang kanyang mga ngiti ay nagsasabing babalik din sa ayos ang lahat.
Manang left, so I was free to pour out the heaviness. Every corner of my room gives me sadness
Malaki ang pangarap ko na hindi nila maibigay. Gusto ko ng masayang pamilya! Pero bakit ganito?! Sinira ni Daddy ang lahat!
Ilang saglit pa ay dumating na si Manang Kim. Marahan niyang nilapag sa table ang dalawang tasa ng kape.
"Binibini, sinabi sa'kin ni Sir Harris na huwag kitang pababayaan. Kahit ano raw ang mangyari ay huwag kitang hayaang maging malungkot, kaya ngumiti ka na." ngiti niya sa akin. Naupo siya sa tabi ko saka hinawakan ang aking kamay at hinaplos-haplos.
"M-Manang, sa tingin mo ba, ano pa ang magagawa ng tulad ko?" Malamlay kong tanong. Hindi siya makasagot. Tumingin ako sa kanyang matang nagmamakaawa. Is she begging for what?
"Kahit anong mangyari ay dapat mabuhay ka. Parang awa mo na, Binibini." Namumuo ang luha sa mga mata ni Manang Kim. I don't get her. Naguguluhan ako sa sinabi niya. Mabuhay? Sa bagay, wala siyang alam.
"Si Sir Harris, ginagawa niya ang lahat para protektahan ka. Gagawin niya ang lahat para sa'yo, para sa pamilya niya. Huwag nawa siyang mabigo dahil sa kagustuhan mo ring protektahan siya." Naiiyak si Manang.
Nasasaktan ako lalo sa tuwing maaalala ko si Dark Guy. Mahalaga sa kanya ang salitang pamilya. Si Xavier, si Kuya Elton.... alam kong kailangan nila si Dark Harris.
"Kilala ko ang Pamilyang Montero. Isang marangal na tao si Sir Harrison. Siya ang taong idolo ni Sir Harris. Noong mga panahon na 'yon ay isa ako sa mga katulong nila. Sa kanila ko naramdaman ang magkaroon ng pamilya." Umiiyak man siya pero may ngiti pa rin sa labi niya.
"Si Sir H-Harris?" Napabuntong-hininga siya saglit na parang naaalala pa rin ang nakaraan. Si Manang Kim ay naging parte din pala ng pamilya nila?
"Pangarap ni Sir H-Harris na maging manunulat, at nagtagumpay siya. Nabalitaan ko rin ang pagiging tanyag niya limang taon na ang nakalipas, pero nag-iba ang pananaw niya." Malungkot na sabi ni Manang. Napatakip ako sa aking labi. Gusto kong sumigaw, humagulhol, at magpakalunod sa kalungkutan.
BINABASA MO ANG
100 Days Before I Die
Roman d'amour"100 days before I die. I made a bucket list for everything I want to experience in my remaining days. It wasn't only a bucket list but it became a lifeline - how I could squeeze out every minute of happiness of my already determined number of days...
