D-15 ㅡ D-19

102 56 7
                                        

June 18 D-15 Learn something new

June 19-22 (D16-19)
PS. Unexpected moments (It means our Main Character failed on doing her list)

ㅡㅡㅡㅡ

Life isn’t about waiting for the storm to pass.... it’s about learning how to dance in the rain. I still remember those lines I once read in a book. And it’s true, when you’re faced with trials, don’t just stand still. Learn something new, step into the unfamiliar, and follow what your heart longs to experience. Because in the end, every drop of rain leads you closer to the rainbow and that’s where hope begins.

Nakaupo ako sa sofa, sobrang sama pa rin ng pakiramdam ko. I’m so thankful dahil tumigil na ang pagdurugo ng aking ilong. Dark Harris didn’t leave me, nandito lang siya sa tabi ko at nanatiling tahimik habang nagbabasa ng libro. I feel calm because of his hug earlier.... he is the first person who got my trust. Dahil sa mga pinaramdam niya sa akin simula pa sa umpisa, naging sapat na iyon para pagkatiwalaan ko siya. He is an Author, I know he can protect me.

He knows my secrets already but he didn’t ask me about them again. Siguro ay naiintindihan niya ang sitwasyon ko. He’s not narrow-minded for sure. He is broad-minded because he is an Author.

“A-Anong oras na?” I sluggishly asked.

“10:30 PM, antok ka na?” he said while still looking at his book.

I’m not. Hindi ako nakaramdam ng antok siguro dahil sa pinainom niyang gamot. I hate drinking medicine pero ayaw kong tanggihan si Dark.... what if dalhin niya ako sa hospital dahil matigas ang ulo ko? I hate that thought!

“H-Hindi pa, nanonood pa ako.” mahina kong sagot. Binalik ko ang aking paningin sa pinapanood ko. In Another Life, the movie sounds painful yet inspiring. He just nodded. Kahit hindi ko siya tingnan, nakikita ko naman siya sa peripheral vision.

Bakit ganito? Parang gusto kong bumagal ang oras dahil nasa tabi ko si Dark Harris. Ayaw ko ng ganito.

Nakapatay na ang ilaw at tanging kaming dalawa lamang rito sa salas. Kapag uminom ng sobra si Xavier, baka bukas na ng umaga siya makauwi.

“How’s your feeling?” he asked. Sa sandaling ito ay ramdam ko ang titig niya sa akin. I heaved a deep sigh.

“I-I’m fine, just leave me alone. Matulog ka na.” I said coldly. Nilapag niya ang libro sa table. Akala ko ay aalis na siya, pero sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya.

“Sino ang nagsabi sa ’yo na magpuyat ka?” malamig niyang sabi. Wtf? Is he serious? “Let’s sleep. Doon ka na matulog sa kwarto, babantayan kita.” he uttered and gently grabbed my wrist. Magrereklamo pa sana ako pero hinila na niya ako. Hindi naman marahas kaya no choice kundi sumunod na lang ako sa kanya.

“S-Sa kwarto na lang ako matutulog.” sabi ko nang nasa ikalawang palapag na kami. Tumigil siya sa paglakad at agad na humarap sa akin. His eyes! I saw darkness again..... parang kapag hindi ko sundin ang gusto niya ay magsisisi ako. I don’t get him anymore.

“Let’s sleep together, that’s your first punishment.” he whispered. Nakarating kami sa silid niya na nakatulala lamang ako. Naupo ako sa kanyang kama at siya naman ay dumiretso sa banyo. Is he serious? Matutulog kami nang magkasama? What?! Punishment daw? Who is he to give me a punishment like this?

Napatingin ako sa libro na nakapatong sa mini table. Kusang tumayo ang mga paa ko para kunin iyon. Bumalik ako sa kama at agad na humiga. I’m so tired.... even breathing is exhausting.

100 Days My Girl written by KnightInDark

Binuklat ko ang libro. Medyo makapal ito, siguro ay abutin ako ng limang araw o sobra pa sa pagbabasa nito kung sakali. Walang nakalagay na description sa novel na ito, sadyang napaka-mysterious ng dating kahit ang nasa book cover. It seems that this book is hiding lots of secrets. I am so curious!

100 Days Before I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon