June 7 D-4 Movie marathon
ㅡㅡㅡㅡ
"Baby, please, they will cure you." my mom said.
"M-Mom! I don't want to be here! Please let me go! Let me leave this hospital!" I yelled, full of begging.
"You will stay here, Sweetie. You need treatment." my dad uttered.
They are killing me! Hindi naman ako gumagaling dito! Mas lalo lang lumalala ang sakit ko! Napadalas na akong sumuka ng dugo dahil sa severe infections at nahihimatay! Gusto ko lang naman mabuhay ng normal, gusto ko lang maranasan na mabuhay tulad ng ibang teenager.
In my childhood, hindi ko na-experience ang naranasan ng ibang bata dahil isa lamang akong sakitin.... babaeng may leukemia! After all, I'm dying.
"Please! Please! Please! Gusto ko nang lumabas!" sigaw ko habang umiiyak, pero binalewala lang iyon ng parents ko. Hindi sila naaawa sakin! Iniwan nila akong mag-isa sa hospital na ito! Gusto nila na gumaling ako, pero gagaling nga ba ako?
Umiyak ako nang umiyak hanggang sa napaubo ulit ako ng dugo, hanggang sa naramdaman ko ring biglang umikot ang paligid ko. Nahihilo ako at nilalamon ng kadiliman.
I dreamt about that again! Iyon yung huling pagkakataon na nakita ko sila Mom and Dad. After that day, the doctor talked to me. After I knew about my condition, I planned to escape. To taste life outside h-hell.
Bumangon ako at naligo. Nagsuot ako ng jogging pants at black longsleeve. This day, I want to experience a movie marathon. I want to experience childhood days, kung paano ang pakiramdam na maranasan ang mga ginagawa noon ng mga bata. But I can't do it. I'm so weak. Masakit ang mga buto ko at pagod na pagod na ako. Hinaplos ko saglit ang aking leeg at mainit iyon, kaya pala sobrang sama ng pakiramdam ko dahil may lagnat ako. Lagnat lang ’to! Sobrang sanay na ako sa sitwasyong ito.
Kahit sobrang sama ng pakiramdam ko ay tinahak ko pa rin ang daan patungo sa bahay ng lalaking madilim. His name is Dark, so I can call him lalaking madilim dahil ayaw kong tawagin siya sa pangalan niya.
As usual, nakatambay siya sa gazebo, naka-pajama at sando. I think kakagising niya lang dahil magulo ang buhok niya at parang wala siya sa mood. Bumukas ang gate kaya napansin niya agad ako. Yesterday, noong nasa lake kami, hinatid niya din ako pauwi sa abandonadong bahay. Dinalhan niya rin ako ng kitchen materials at stocks of food. He’s kind! And he’s my savior. Binigyan niya na rin ako ng sahod, kaya may pera na ako.
"Good morning, Britney." ngiti niya. Kakaiba ng ngiti niya.... parang pinapawi nito ang dilim sa mata niya, at nagugustuhan ko ’yun. I mean, medyo hindi na ako natatakot sa kanya dahil sa ngiti niya.
Hindi ako magkakagusto sa kanya, no. Masyado na siyang matanda para sa’kin at ayaw ko sa kanya. Hindi ko na lang siya binalingan ulit ng tingin. Kinuha ko na lang ang malaking gunting para sa halaman sa ilalim ng makapal na halamanan. Malawak pa ang kailangan kong bawasan, kaya mas mabuti nang simulan ko na. I don't care about my fever. Ang mahalaga ay nagtatrabaho ako.
"Have you eaten?" I heard him ask. Medyo lumapit ako sa gazebo at doon binawasan ang kakapalan ng halaman.
"Hindi ako gutom." I responded. Pasimple ko siyang tiningnan na ngayon ay nagtitipa siya sa hawak niyang cellphone.
"Aalis pala ako. Do you want to come along?" tanong niya at napatingin din sa’kin. Agad akong umiwas ng tingin dahil nakaramdam ulit ako ng takot at panginginig.
BINABASA MO ANG
100 Days Before I Die
Romance"100 days before I die. I made a bucket list for everything I want to experience in my remaining days. It wasn't only a bucket list but it became a lifeline - how I could squeeze out every minute of happiness of my already determined number of days...
