Ngayong araw, maaga kaming gumising nila Dark Harris dahil pupunta kami sa beach kasama sina Pinky at Xavier. Kuya Elton still hasn’t come home yet... sabi ni Xavier, may importanteng meeting daw siya with a lawyer.
Sabay naming inabangan ang magandang pagsikat ng araw.... isang panibagong umaga na may dalang pag-asa, para sa puso naming umaasa.
I felt his warm hug. Nag-usap pa rin kaming apat.... ako at ang tatlong magkakapatid, tungkol sa mga bagay na hindi namin maipaliwanag. Mga bagay na matagal nang nakakubli at nanatiling lihim hanggang ngayon.
Nakaupo lang kami sa malaking bato. Komportable ako sa posisyon ko, nakasandal sa dibdib ni Dark Harris habang mahigpit niya akong niyayakap.
“Hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo, Britney. Pero sinasabi ko sa’yo.... nakakabigla ang katotohanan na dapat mo pang malaman.” May lungkot sa mga mata ni Pinky kahit may kunting ngiti sa labi.
“But don’t worry. Kaming tatlo ni Kuya, kakampi mo kami sa lahat ng laban. Walang iwanan.” dagdag ni Xavier. Nakipag-apir pa siya kay Dark Harris, na ngumiti lang. Simula nang lagi ko na siyang kasama, palagi na siyang nakangiti. Nakaramdam ako ng kirot... para sa akin kasi, mahirap ngumiti. Pero kapag nakikita kong masaya si Dark Harris Montero, lumalakas ang kabog ng dibdib ko, at bigla ring nagiging madali para sa akin ang ngumiti.
“Kuya Harris, ano bang magandang ipangalan sa baby ko?” biglang tanong ni Pinky.
Natahimik kami lahat. Parang may kakaiba. Unti-unting naglaho ang mga ngiti sa labi nila habang nakatingin kay Pinky, na ngayo’y may namumuong luha sa mata.
“Sol.... ikaw na bahala sa second name, Pinky.” mungkahi ni Dark Harris.
“Wow, Kuya! Ikaw din ang mag-isip ng pangalan para sa panganay namin ni Georgia. Pag lumaki siya, sasabihin kong Tito Harris niya ang nagbigay ng pangalan.” natatawang sagot ni Xavier. Napangiti rin ako.
“Ikaw talaga, Darwin.” biro ni Dark Harris sa kapatid.
“Pinky, Solene kapag babae.” dagdag ko. Napangiti si Pinky at tumango-tango, may kinang ang kaniyang mga mata.
“M-My baby is my light.” bulong niya habang pinapahid ang luha. Sino nga ba ang ama ng anak niya? Kita pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata.
Nabasag ang bigat ng sandali nang matawa bigla si Xavier. Napanguso si Pinky, at agad na siyang niyaya ni Xavier para sunduin sina Georgia, na tapos na raw magluto. Nabuhay ang excitement ko nang malaman kong darating na ang mga kaibigan namin.
“I want to see the sunrise with you every single day." bulong ni Dark Harris. Ako rin. Gustong gusto ko pa.
Nakayakap pa rin siya sa akin mula sa likod. Kaming dalawa na lang ang naiwan nang umalis sina Pinky at Xavier para sunduin sina Georgia. Excited na rin akong makita sila. Magdadala rin sila ng pagkain. Nababalitaan kong hindi pa rin nagigising si Aiden. Sana makapunta s'ya ngayon, sana makagising na s'ya. I felt sorry for him.... I wanted to visit, pero sa sitwasyon ko ngayon, imposible na.
“Ang ganda!” masaya kong sabi. Every time na makakita ako ng sunrise, napapahanga talaga ako. Unti-unti nang umaakyat ang araw, muling pinapaliwanag ang kalangitan at nagbibigay ng silaw sa silangan. The beginning of the morning is beautiful, and so is the end of the day. Sana ganito kaganda ang bawat sandali sa buhay namin.
"Ang ganda nga." He said.
Napatingala ako... pero hindi pala siya nakatingin sa sunrise, kundi sa akin. Napailing na lang ako, nakangiti.
BINABASA MO ANG
100 Days Before I Die
Romance"100 days before I die. I made a bucket list for everything I want to experience in my remaining days. It wasn't only a bucket list but it became a lifeline - how I could squeeze out every minute of happiness of my already determined number of days...
