July 02 D-30 Cuddles with someone I love.
ㅡㅡㅡㅡ
Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo sa kalagitnaan ng aming pag-picnic. Ayaw ko namang istorbohin ang kanilang seryosong usapan about death at suicide. Why do others end their life? Is it because of problems and depression? They are so stupid!
My life has limits now and fvck, I still want to be alive. I want more years to spend my lifetime with. But of course, death is our end game... our tragic ending.
I feel mad at those people who are committing suicide just because they can't handle their problems. And sometimes I feel mad at myself, kapag babalik lang naman ako ulit sa hospital, mas naiisip ko na rin na tapusin ang buhay ko kesa magdusa pa roon. I'm almost tired, but I am still fighting.
"Nagtataka tuloy ako kung sa kabilang buhay ba ay magkakilala pa rin tayo?" Madi seriously said. I'm so confused with that too.
"Maybe hindi na." salita ni Aiden, kaya napatingin kami sa kaniya. Medyo nabawasan na rin ang pagiging cold ni Aiden dahil napapangiti na s'ya ng kaunti.
"Kapag namatay na kasi tayo ay parang makakalimutan natin ang lahat. Pero sa ngayon hindi pa natin alam kung meron nga bang kabilang buhay o wala na." ngiti ni Georgia.
Ang kamatayan ang aking pahinga, pahinga ng mga taong nagdudusa habang nabubuhay pa. Pero ngayon parang ayaw ko nang magpahinga dahil nahanap ko na ang aking pinakaligtas na tahanan.
"Is that it?" Madi asked.
"Normal lang na mahirapan tayo. Suicide is not the key to end our problems." Dark Harris said. Yah, he is correct.
"Kapag hindi man lang si Madi ang babaeng para sa’kin, siguro magpapakamatay din ako." biglang tawa ni Luke. Agad s'ya naming tiningnan ng masama. Napasigaw pa s'ya dahil sa paghampas sa kaniya ng kasintahan. Nakikita ko sa kanilang mga mata ang tunay na pag-ibig. They're lucky to have each other.
"Puro ka kalokohan!" sigaw ni Madi sa nobyo na ngayon ay napangiwi. Nailing na lang ako sa kanilang dalawa.
Kinuha ni Madi ang mineral bottle saka n'ya inubos ang natirang tubig. And suddenly, the memories flashback in my mind.... the day that Dark Harris took me to his mansion. I smiled pero agad ding napalitan ng pagngiwi dahil biglang uminit ang aking ilong.
Sandaling nagtagpo ang mga mata namin ni Dark Harris. Ngumiti ako sa kaniya, of course I am fine.
Bago pa makita ng iba naming kasama ay tumayo na ako’t tumalikod sa kanila. Ramdam ko pa rin ang kaniyang madilim na tingin.
“B-Banyo lang ako.” I lied.
“Samahan na kita, Britney.” Georgia said. Nailing lang ako.
“Kaya ko naman.” I said bago umalis.
Sa bawat hakbang ko ay damang-dama ko ang pananakit ng aking mga buto sa katawan. This pain is too much to bear. As long as I love to live, I will stay alive and fight my deadly disease.
Dumaan ako sa likuran ng mansion. Wala akong balak na pumasok sa loob. Ang gusto kong gawin ngayon ay bumalik sa abandonadong bahay at doon muna pansamantala. Seriously Britney? What if they will search for you? Especially that guy!
BINABASA MO ANG
100 Days Before I Die
Romance"100 days before I die. I made a bucket list for everything I want to experience in my remaining days. It wasn't only a bucket list but it became a lifeline - how I could squeeze out every minute of happiness of my already determined number of days...
