D- 93 ㅡD-95

101 27 0
                                        

⚠️ Trigger Warning:

This chapter contains graphic scenes of violence, emotional trauma, suicide, and references to sexual abuse that may be distressing or triggering to some readers.

Please proceed with caution and prioritize your emotional well-being. If you have experienced trauma related to these themes, you may choose to skip this chapter or read it at your own pace.

This story aims to portray the pain, consequences, and humanity behind these experiences..... not to glorify or romanticize them.

/ Flashbackㅡ Day 92 /

Niyakap ako ni Dark Harris. Wala na akong ibang hinihiling kundi ang yakapin ako ng lalaking Mahal ko at mahiga sa kaniyang bisig, kung ito man ang katapusan ng lahat. Sobrang sakit ng sugat na andito sa puso ko, sarili kong pamilya ang tinatakasan namin.

"Britney, I-I love you so much. They won't harm you as long as I am with you." He whispered. Naramdaman ko na sobrang hina na niya. Hindi na namin kayanin ang tumakbo pa. I can feel them! Damn! They are almost here! Naririnig ko na ang kanilang mga yapak. Dito na ba ang aming katapusan? Kung dito lang rin matapos ang lahat ay hindi ako natatakot.

"Hanapin niyo! Merong apoy rito kanina!" Sigaw ng lalaki. Mas isiniksik ako ni Dark Harris rito sa ilalim ng ugat ng puno. Sa pagkidlat sa kalangitan ay makikita parin kami rito sa pinagtataguan namin kahit madilim ang kapaligiran. Masasabi ko pa ba na kinakampihan kami ng mundo kung ang kidlat ang maging dahilan para kami'y mamatay rito?

"Pein Claire Clifford... huwag mong iisipin na kinakamuhian kita tulad ng pagkamuhi ni Kuya Elton." He whispered again. Damn! Stop please! Stop hurting me by your words Dark Harris!

"Hindi ko pinagsisisihan na nakilala kita B-Britney." he added.

"I-I-I am s-s-sorry for being b-born as h-his d-daughter." I said weakly. " M-Marry me in the next life D-Dark Harris. I really h-hate my surename." I almost pleaded. Pinagsisisihan kong pinanganak akong Clifford!

"Andito sila!" Sigaw ng lalaki, hindi man ako nakamulat pero ramdam ko ang baril na nakatutok sa amin. I am ready to die! Bakit ayaw niya parin kaming tirahin?

"Hulihin sila ng buhay! Gustong makita ni Boss ang kaniyang Apo kay Sir Clyde." Utos niya sa kasamahan. Damn! Mas gustuhin kong mamatay nalang kesa makita ko ang pinakasamang tao sa mundo!

Natigil kami ng marinig ang putok ng baril.... hindi lang isang putok kundi sunod sunod hanggang sa hindi ko na mabilang. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Mula sa liwanag na mula sa pagkidlat ay nasaksihan ko ang pagkatumba ng mga tauhan ng masamang matanda. Mula sa maraming bilang ng mga armadong lalaki ay ngayon ay wala ng natirang nakatayo.

I smiled bitterly, ngayon lang kami kinampihan ng buhay.

"Pein Claire! Harris!"

"We're safe B-Baby. Your Uncle is here." Dark Harris whispered huskily. Uncle?  But d@mn I feel sleepy!

"Alalayan n'yo sila!"

100 Days Before I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon