D- 90 part 2

69 41 0
                                        

"Oras na para sundan nila ang kanilang mga magulang!" Demonyong sabi ni lalaki, Narinig ko nalang na nagtawanan sila ng mala demonyong tawa.

Nanatili akong nakayakap sa katawan ni Dark Harris. Andito na sila! Wala akong balak na humarap sa kanila at makita ang mga demenyo nilang pagmumukha.

"Mga hayop kayo!" Biglang sigaw ni Xavier.

"Ang tapang yata ng pangatlong anak ni Harrison." Halakhak ng demenyo kong Lolo. Hindi ko pa nalalaman ang dahilan kung bakit niya ginagawa ito! Pero sa kaniyang ginawa ay wala siyang pinagkaiba sa demonyo!

"Ano ba ang kasalanan namin sa inyo? Hindi pa ba kayo nakuntento sa kayamanan namin na kinuha niyo?! Maraming buhay ang nadamay! Maraming buhay ang kinuha mo! Pinatay mo ang mga magulang ko! Maraming kababaehan ang ginahasa! Nasa iyo na ang lahat Don Tony Clifford! Ikaw na ang pinakamayaman sa buong bansa! Ano pa ang ang gusto mo?!" Malakas na sigaw ni Xavier na umalingawngaw sa palagid. Saglit na katahimikan bago sila nag umpisang magtawanan. Nakakahiya ang kaniyang kasamaan!

"Kulang na kulang ang lahat! Hindi ako matatahimik hangga't hindi nauubos ang lahi n'yo!" Sigaw pabalik ng Matanda.

"Ano ba ang kasalanan namin sa inyo?!" Muling sigaw ni Xavier.

"You don't know anything?" He laughed for a moment.

"Just follow your Father to hell and ask him there!" May hinanakit na sigaw ng Matanda. I don't get them! I'm afraid to know everything! I'm afraid to know the truth.

"Mga hayop! Walang kasalanan ng mga magulang ko sa inyo!" Umiiyak na sigaw ni Xavier. Hindi ko man nakikita ay narinig ko ang tunog ng pag suntok ng mga tauhan ng Matanda kay Xavier at maging ang pag sigaw ni Xavier dahil sa sakit ng mga natanggap niyang suntok. Napaiyak ako lalo, Ano na ba ang mangyayari sa amin ngayon? Gustuhin ko mang tulungan si Xavier pero isa lang akong babaeng lampa na hindi makatayo!

"G-Gumising k-kana." Iyak na bulong ko kay Dark Harris, namamaos na ako, ni sarili kong bulong ay hindi ko narinig. Unti unti kong kinalas ang pagkagapos niya habang nakadikit parin ang katawan ko sa kan'ya. Naramdaman ko ang kaniyang mainit na hininga sa leegan ko.

"Magbabayad kayo sa batas!" Sigaw ni Xavier.

"Hawak ko ang batas Bata! Kung sana nanahimik nalang kayo ay hindi ito mangyayari sa inyo!" Sigaw pabalik ng Matanda. Mas naiiyak ako sa inis! Napakaunfair ng mundo! He has no right to hold and lure everyone with his wealth!

"A-Ang nagawang kasalanan ay may nararapat na kaparusahan! Hindi sa lahat ng sandali ay mabibili mo ng Pera ang lahat! Tandaan mo yan!" Namamaos na sigaw si Xavier, nababakas sa tinig na nahihirapan na siya. Napahagulhol ako, ni walang tunog na lumabas sa labi ko. No way! I'm not dumb!

"Iyan lang ba ang sasabihin mo bago ka mamatay?" Sigaw ng lalaki. Narinig ko ang pagkasa ng baril. No! Huwag si Xavier! Hindi gustuhin ni Dark Harris na makita ang bangkay ng kapatid niya kapag gumising na siya.

"Sandali! Dalhin niyo muna dito ang babaeng iyon!" Sigaw ng matanda, ramdam ko na niduro niya ako.

What will be your reaction Grandpa when you see me?I am dying!

I know he won't recognize me now.  I was 4 years old when we last met. What will he do? Will he shoot me too? Or be raped? Damn him! Niyakap ko lang na mahigpit si Dark Harris ng maramdaman ko ang kanilang mga yapak papunta sa akin.

100 Days Before I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon